Chapter 62

253K 12K 2.4K
                                    

"KAYA MO? BAKIT KA UMIIYAK?"


Napasinghot ako.


Tumiim ang titig sa akin ni Vice. "Can you still love my son despite of his imperfections?"


Nagpahid ako ng luha. "Yes, Vice."


"Even after you learned that he's the one who killed your mother?"


"Yes, Vice..." I sobbed at my reply.


Matagal na hindi nagsalita si Vice habang ako naman ay umiiyak lang.


"I don't know if you can still be with him when he gets better, Fran," sabi ni Vice mayamaya. "Ni hindi pa nga natin sigurado kung..." Natigilan siya. "Kung gagaling pa siya." Humina ang boses niya sa mga huling salita.


"He'll be okay..." kulang sa kasiguraduhang sabi ko. Pigil na pigil ko ang paghagulhol dahil hanggang sa mga oras na ito ay tulala pa rin si Jackson.


"Pag-isipan mo."


"Vice..."


"Pag-isipan mo lahat-lahat bago ka magsalita na gusto mo pa ring makasama ang anak ko. Pag-isipan mo muna. Lumayo ka sa kanya. Kilalanin mo muna ang sarili mo, alamin mo ang mga gusto mo nang malaya na walang kumo-kontrol sa 'yo. Mabuhay ka muna nang wala siya. At kapag sa tingin mo, nakapag-isip-isip ka na pero gusto mo pa ring makasama ang anak ko, then sige. Maski anino ko, hindi na magiging sagabal pa sa inyo."


Nang tumingin ako kay Calder ay nasa mga mata niya ang pagdamay sa akin. "Fran, you both need the time..."


I know. Kailangan namin pareho ang oras na magkalayo. Dahil katulad ni Jackson, wasak na wasak din ako. Marami pa akong tanong at magulo pa rin ang utak ko.


Ilang sandali lang ay may mga sasakyan na ulit na paparating. Ang isa ay private morgue service na kukuha sa dalawang bangkay na tauhan ni Valentina, ang isa ay ambulance, at ang isa ay private car na may sakay na investigator. Lumapit ang investigator kay Vice at nag-usap ang dalawa. Malamang na inaayos na nila ang mga detalye upang hindi na madungisan pa ang pangalan ng mga Cole.


Nang maging busy na ang lahat ay saka ko pa lang pinuntahan si Jackson. Saka palang ako nagkalakas-loob na lapitan siya.


My mysterious and not-so-perfect, yet so loving husband...


Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko nang nasa harapan niya na ako. Pinagmasdan ko pa siya nang matagal. Kinabisado ko pa ang bawat detalye ng perpekto niyang mukha bago ko marahang inabot ang makinis na pisngi niya upang haplusin.


"Jackson..." masuyong tawag ko sa kanya.


Ang magaganda niyang mga mata na matagal na walang emosyon ay nagkabuhay bigla. Kumurap siya at sa isang saglit lang ay nakatitig na siya sa akin nang katulad ng pagtitig ko sa kanya.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon