Chapter 47

311K 11.6K 2.1K
                                    

"CAN YOU JUST DIE NOW?"


Naiirita ako sa paulit-ulit. She's sick and dying. Pinapahirapan niya ang lahat ng tao rito, from Manang Nora, her doctor, nurses, and her own daughter.


"Mamamatay naman na talaga ako. I am poor now and sick. Wala na akong pera, maski ang kahuli-hulihang kusing na galing sa kompanya ng parents ko, wala na! Akala ko kapag nagpakasal ako sa 'yo, tutulungan niyong makaahon ang kompanya namin, pero pinabayaan niyo naman kaming lumubog!"


"Because it's useless to help your company, Marsha."


"Pero para saan pang pinakasalan mo ako kung useless naman pala? Anong napala mo sa akin? Wala! Nagkaroon ka lang ng asawang matanda, nadungisan lang ang pangalan mo." Umiwas ng tingin ang maputlang babae na nasa kama.


"It was too late for my dad to realize that. But you're free now, Marsha. You may go anytime. And you don't have to worry about your funeral wake because I will take care of that. You will have a grand one, I promise you."


"What a good young husband you are," she sneered. "And how about my daughter if I die, huh?!"


"She'll be free from you."


"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Jackson! What I mean is paano ang anak ko pag wala na ako! She's too young! I know and I admit na hindi ako naging mabuting ina sa kanya, but I can't leave her alone! Saan siya mapupunta kapag wala na ako! Kung pwede lang sanang isama ko siya sa kabilang buhay."


"You don't have to worry about her," kalmanteng sagot ko.


Natigilan siya at napatitig sa akin. "And why? Kukupkupin mo ba siya? Wala na kaming kamag-anak kaya kapag namatay ako, automatic na sa 'yo mapupunta ang custody since you are my husband by law. Pero alam kong wala kang pakialam sa anak ko, kaya natatakot ako kung saan siya mapupunta."


"You are wrong about your assumption. I care for your daughter, Marsha."


"Care?" Matabang siyang tumawa. "You are cold as ice! Kahit kailan hindi ka magkaka-care sa kahit ano o kahit sino. Lalo pa sa anak ko!"


Saglit lang ay natigilan si Marsha at napatitig nang matagal sa akin.


"Are you serious, Jackson? How can you care for my daughter?! At ni hindi ka nga umuuwi dito sa Davao, ni hindi kayo nagkikita ng anak ko so nasaan ang care doon?!"


"I just want her to live her life away from me para kapag dinala ko na siya sa Manila, maninibago siya."


"I don't get it." Napahilamos ang payat na mga kamay niya sa kanyang mukha. "Kahit kailan ay hindi kita maunawaan, Jackson! Pero kung sinasabi mong kukupkupin mo nga anak ko, mapapanatag na ako. Basta ipangako mo sa akin na hindi mo siya papabayaan. Na mabubuhay pa rin siya nang marangya. Gawin mo ang request ko, Jackson."


"Consider it done."


Naluha ang mga mata niya. "T-then thank you..."

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon