"OKAY KA LANG?"
Sobrang tahimik ni Jackson mula nang dumating siya. Hindi ko na lang muna siguro babanggitin ang tungkol sa pagdating ni Valentina dito kanina. Sasarilinin ko na lang muna.
Nakaupo siya sa swivel chair at nakatingala sa kisame. Bukas ang mga unang butones ng suot niyang kulay black na polo at magulo ang kanyang buhok. Ang pulang mga labi niya ay mamasa-masa pa at may bahid ng purplish red color ng wine na nasa ibabaw ng mesa. Walang wine glass kundi iyong bottle lang. Mukhang basta na lang siyang tumungga roon.
Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya malamang na may problema nga. Nilapitan ko siya kahit parang nakakailang na ganito siya katahimik.
Parang hindi niya nga ako nakita kanina sa sala nang dumating siya. Pagkapasok niya ng main door, dumiretso na siya sa hagdan. Dito siya sa study room niya nag-stay ng ilang oras. Kakatukin ko na sana siya bandang ten pm nang dumating naman si Vice. Nag-usap sila pero hindi umabot ng twenty minutes, umalis na rin si Vice. At kagaya niya, hindi rin ako pinansin o kahit tinapunan man lang ng tingin ng daddy niya.
"Pagod ka ba? Gusto mo masahiin kita?" Huminto ako sa gilid ng mesa. Kalahating dipa ang layo ko sa kanya.
Naghahalo ang amoy ng wine at ng men's perfume sa katawan niya. Mild lang ang amoy pero hindi ko maiwasang hindi singhutin. Nakaka-adik kasi talaga ang amoy ni Jackson, at mas nakakaadik ngayon dahil sa humahalong amoy ng alcohol.
"Hindi ako marunong but I can try." Hahawakan ko na sana siya sa balikat nang magsalita siya.
"I'm fine." His voice sounded so grim.
Napaatras ako. "Okay. Doon na lang muna ako sa kwarto ko—"
Saka lang siya tumingin sa akin. "No. Stay."
"Ha?"
"Actually, I've been waiting for you."
"May problema ba?"
Tumayo siya at sa gulat ko ay bigla niya na lang akong binuhat. Naglakad siya papunta sa sofa na karga-karga ako.
Kung kargahin niya pa ako, parang ang gaan-gaan ko.
Inalis niya ang wallet sa bulsa at inilapag sa center table pagkatapos ay naupo siya sa sofa habang kalong niya ako. "Tell me about your day."
"About my day?" Ipinatong ko ang mga braso ko sa magkabilang balikat niya.
"Yeah. Come on. Tell me." Inayos niya ako sa kandungan niya saka niyakap.
"Sige..." Worried pa rin ako sa kanya pero wala akong choice kundi sagutin siya. Mukha namang hindi niya iku-kwento sa akin kung bakit wala siya sa mood na umuwi. Ayoko naman siyang pilitin mag open kung hindi siya ready. And based sa pagpapakuwento niya sa akin ay gusto niyang makalimutan ang kung ano mang dahilan ng stress niya ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...