Chapter 14

373K 15.3K 2.5K
                                    

"ARE YOU OKAY NOW?"


Okay na nga ba ako after what happened?


Hindi ko makuhang sumagot kay Kuya Calder. Ang gulo ng gabing ito. Muntik na akong mapahamak, pero may natutunan ako. Lesson learned. Na hindi ako dapat basta-basta sumasama at nagtitiwala.


Natuto ako sa pagkakamali.


"By the way Fran, iyong sinabi ko kanina."


"What about it?" mahinang tanong ko. Isa pa iyon sa nakakagulo sa akin. Mahal niya ako? Paanong mahal?


"I know you're still young, there's a chance you won't understand even if I explain it to you. And to be honest, I can't understand myself either. Siguro puwede na lang nating isipin na nasanay at komportable lang tayo sa isa't isa." Ngumiti siya nang maliit. "If I am your first friend here in Manila, ganoon ka rin kasi sa akin."


Tumango ako dahil ang totoo ay naiintindihan ko siya. Oo at kulang pa ang kaalaman ko sa tunay na mundo, mapusok pa ako, sabik, at maraming bagay ang bago sa akin, pero madali akong matuto. 


"I'm sorry I blurted it out all of a sudden. I shouldn't tell you that. Please forget about it. At may problema pa tayo. Kailangang relax ka ngayon, okay? Sa mga oras na ito, malamang nagkakagulo na sa mansiyon dahil sa paghahanap sa 'yo."


Sinulyapan niya ang naka-off na phone sa kanyang tabi. Kanina pa iyon tumutunog kaya niya pinatay. Kung hindi si Uncle Jackson ay malamang mga tauhan nito ang kumu-contact sa kanya. Malamang sa malamang na pinaghahanap na kami. Ako.


Nakaparada ang kotse sa kalsada na malapit sa gate ng subdivision namin. Kinakabahan ako lalo pa at mag-a-alas diez na sa oras ng suot kong wristwatch. Pagkatapos kasi naming kunin ang mga damit ko sa bahay nila Olly ay tumambay pa kami malapit sa school. Hinintay niya pa kasi na mahimasmasan ako.


Umusod si Kuya Calder papunta sa akin. "Come."


Napatingala ako sa kanya nang maramdaman ko ang pagkabig niya sa akin palapit. May hawak siyang panyo. Masuyo niya iyong ipinunas sa mukha at leeg ko. Mayama ay suklay naman mula sa glove compartment ang kanyang inilabas. Pinatalikod niya ako nang bahagya saka niya marahang sinuklayan ang buhok ko.


"May panali ka?" tanong niya.


Naghanap ako sa loob ng bag ko pero isang pirasong naligaw na sanrio lang ang nakita ko. Inagaw niya iyon sa akin.


"Pwede na 'to." Itinali niya nang pa-ponytail ang aking buhok. Maluwag na pagkakatali dahil manipis lang ang goma, ngunit sapat na para hindi magkalat ang buhok ko. "Put some powder, Fran."


Kinuha niya sa kandungan ko ang aking bag at siya na ang nagbukas niyon this time. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghahalughog siya sa loob. Inilabas niya ang maliit kong pouch saka siya naghanap doon ng pulbo. Nang makakita siya ng loose powder ay walang pasabing binuksan niya iyon. Balak ko sana siyang sawayin ang kaso ay nakatapat na sa akin ang sponge.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon