CALDER's POV
"ANG AGA MO YATANG BUMISITA?"
Nangialam ako ng alak sa mga mamahaling alak na naka-display sa cabinet niya. Kumuha rin ako ng shot glass at nagsalin doon. "I'm lonely, kailangan ko'ng karamay." Labas-masok na ako sa mansion niya, wala nang sumisitang tauhan niya sa akin ngayon.
"Nang ganito kaaga?"
"Nang ganito kaaga," I repeated his words. "I'm also here to do a follow up. Nasaan na ang pangako mo sa akin? Nasaan na si Fran?"
Nag-iwas ng tingin sa akin ang matanda bise presidente ng bansa, si Vice Salvo Cole III.
"Hindi mo pa rin kaya ang anak mo hanggang ngayon?" Umismid ako. "Takot ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?"
"Mahirap ang gusto mo, Calder," mariin niyang sabi.
"Walang mahirap dito. Gawin mo lang ang sinasabi ko, ibigay mo sa akin si Fran. Maawa ka sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan sa mundong ito para magdusa sa piling ng anak mong gago."
Napatayo siya mula sa lazy boy chair. "Why are you so obsessed with that girl? Bakit hindi niyo siya mabitawan? Bakit kailangang pag-agawan niyo? Napakaraming babae sa mundo."
"Nag-iisa lang si Frantiska!" Ibinagsak ko ang shot glass sa ibabaw ng babasaging mesa.
Napailing ang matanda.
"Natatakot kang masira ang pangalan mo, right? Pwes alisin mo na sa buhay niyo si Frantiska dahil hindi ako titigil hanggat hindi lumalabas ang mga kasiraan niyo hanggat nasa inyo siya. My mom died because of your son, si Frantiska ang gusto kong kapalit."
"Mamamatay na talaga ang mama mo kaya 'wag mong isisi lahat kay Jackson—"
"Isisisi ko sa inyo lahat hanggang gusto ko. Malaki pa rin ang ambag niyong mag-ama kung bakit nagkasira-sira ang buhay ni Mama, 'wag kang makakalimot sa atraso niyong mag-ama."
Nagtagis ang mga ngipin niya.
"At hindi ba sinabi sa 'yo ng magaling mong anak na bago mamatay si Mama ay pumunta siya sa ospital kahit pa sinabihan ko na siyang wag na wag magpapakita doon? May usapan kaming hinding-hindi siya magpapakita kay Mama kapalit ng pag-alis ko sa mansiyon, pero pumunta pa rin siya para magpakita. Maybe it's his way to warn me na kapag sinuway ko siya, babalik siya para guluhin si Mama."
"Jackson won't stoop that low!"
"Iyon ang akala mo!" gigil na sigaw ko.
Hanggang ngayon, kahit obvious namang may topak ang anak niya, bulag-bulagan pa rin siya sa ibang kagaguhan ni Jackson. Hindi ko alam kung anong meron at hanggang ngayon, nabibilog pa rin ng lalaking iyon ang ulo ng matandang ito.
"Hindi niya para idamay ang mama mo, Calder. He can't do that."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...