Chapter 7

451K 17.2K 4.6K
                                    

I WOKE UP EARLY because today was my first day as a college student in DEMU, or Don Eusebio Mariano University. A prestigious university in Quezon City. Unang pagkakataon na papasok ako sa isang normal school. Sa sobrang excitement ko, hindi ako gaanong nakatulog.


"Goodluck sa school!" ani Ate Minda nang sumilip siya sa kuwarto ko. "Magkwento ka mamaya tungkol sa bodyguard mo, ah!"


Akala ko pa naman about sa school ang ipapakuwento ni Ate Minda sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpaalam na. Nasa sala na rin kasi si Uncle Jackson, at mukhang bago ako pumasok ay may sasabihin siya sa akin. Ano kaya? 


Nakauniform na ako nang bumaba ako sa sala. One-inch above the knee dark green pencil cut skirt na tinernuhan ng white long sleeve blouse na may necktie na kakulay ng pang-ibaba ko ang aking suot. Sa mga paa ko ay flat black semi dollshoes naman. Isang leather shoulder bag ang kinalalagyan ng ilang notebooks ko ang aking natatanging bitbit. Dahil sa sobrang excitement ay ipinonytail ko lang ang buhok ko. Wala na akong suot na accessories maliban sa suot kong simpleng silver watch.


Nasa gitna ng sala ko natagpuan si Uncle Jackson. Para siyang diyos na nakatayo ron at naghihintay ng aalipinin niya. Ganoong pakiramdam talaga ang dala ng aura niya lalo kapag ganitong wala siyang kangiti-ngiti. Hindi siguro maganda ang gising.


Okay lang. Sanay naman na ako na parang araw-araw yata ay hindi maganda ang gising niya. Kung di salubong ang kilay niya, wala siyang reaksyon. Siguro mas mash-shock pa ako kung salubungin niya ako ng ngiti at wide open arms.


Guwapo pa rin naman si Uncle ko kahit kapresyo yata ng Microsoft ang ngiti niya.


Nakapamulsa siya sa suot na sweatpants na kulay itim. Muscle shirt na kulay gray naman ang pang-itaas niya at basang-basa iyon ng pawis na nagmumula sa kanyang pawisang leeg, maskuladong likod at mga balikat. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok. Mukhang galing siya sa pagwo-workout dahil pati ang mga balahibo niya sa braso ay basa ng pawis.


Tumaas ang isang kilay niya dahil sa tagal ko na palang nakatitig sa kanya. Napayuko tuloy ako.


Sa pagyuko ko ay nagawi ang aking mga mata sa center table kung saan may nakalagay na rectangular box na kulay puti. Nang tingalain ko si Uncle Jackson ay nakatingin siya sa akin at ang mga mata niya ay nag-uutos na kunin ko raw ang box.


Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, parang natutunan ko na ring malaman ang mga gusto niyang iparating gamit lang ang tingin kapag tinatamad siyang magsalita.


Kinuha ko ang box at sinipat. "A phone?"


Bukas na ang box. Gusto kong klaruhin kung para nga ba ito sa akin. Baka umasa ako 'tapos iuutos niya lang pala na ibigay ko kung kanino itong CP, mabo-brokenheart talaga ako pag ganon. Matagal ko na kasing pinapangarap magkaroon ng ganito.


"You need that," aniya at hinawi ang ilang pirasong bangs na bumagsak sa kanyang noo.


Pagkasabi niya'y kinuha ko agad mula sa box ang phone. Kandatulo ang laway ko nang mahawakan ko ang manipis na gadget.


Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon