WHAT WAS HIS REACTION?
I wanna know. Hindi ko tinupad ang pangako ko na hihintayin siya. Nagalit ba siya? Malamang. I'm sure aligaga na naman lahat sa mansiyon mula kahapon. Ang mga guards niya, siguradong hindi na mapakali kaka-radio at kakaikot para hanapin ako. At si Jackson? Hindi iyon matatahimik sa paghahanap sa akin.
Matapos akong i-save ni Calder kina Olly ay isinama niya na ako. Nakasunod pala siya sa akin mula pa nang umalis ako ng mansiyon noong hapon kaya alam niyang pumunta ako sa school. Nahuli lang siya ng dating dahil nahirapan siyang makalusot sa guard sa gate. Isinama niya na ako pagkatapos. At alam ng guard ang nangyari, sinabi ni Calder bago kami umalis. Kaya malamang alam na rin ni Jackson...
I was silently crying while watching the television. Ang palabas ay SpongeBob SquarePants dahil wala namang ibang mapapanood ngayon na pwedeng kumuha ng interes ko.
"Kaiyak ba?" Biglang may nagsalita mula sa pinto. Ni hindi ko namalayang bumukas iyon.
Gulat akong napalingon sabay punas ng aking mga luha. Si Calder ang bagong dating. Hinubad niya ang suot na kulay grey na hoodie at isinampay sa likod ng pinto. Dito kami sa cabin ng kakilala niyang attorney tumuloy. Sabi niya kasi ay kayang hanapin ni Jackson ang lahat ng mga properties niya kaya mas makakabuti if dito muna kami mag-stay.
"Palamig ka muna." May bitbit siyang Ministop paper bag sa isa niyang kamay nang lumapit siya. "Anong gusto mo Coke o Sprite?" Nilabas niya ang laman ng paper bag.
"Coke."
"Mismo?"
"Oo."
Napangisi siya. "Isang araw palang miss mo na. Bangis naman."
Nakamamatay na irap ang ibinigay ko kay Calder saka ko hinablot ang hawak niyang Coke in can.
"'To naman, binibiro ka lang." Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. "Mula kasi nang dalhin kita rito, nag-iiiyak ka na lang. Ni hindi ka na makausap."
Napayuko ako. "Sorry..."
"Sorry for?" Naupo siya sa sahig para silipin ang mukha ko. "Galit ba ako? Hindi di ba? Ayoko lang talaga na ganyan ka."
"Calder..."
"Naiintindihan ko, Fran." Ngumiti siya ngunit malungkot ang kanyang mga mata. "Naiintindihan ko na mahal mo iyon kahit may saltik iyon."
Magsasalita sana ako nang biglang magring ang phone niya. Mabilis siyang tumayo at sinagot ang call. Ilang segundo rin siyang hindi nagsasalita at nakikinig lang sa kausap sa other line.
"Are you sure, Officer? Thanks, thanks. 'Will talk to my attorney about this." Pinatay niya na ang call at seryosong lumingon sa akin.
"Sino iyon?" kabadong tanong.
"I already have evidence that Jackson killed your mom, Fran."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...