"BAKIT KA NANDITO?"
Nasa harapan na namin ni Olly si Uncle Jackson. Sa akin siya nakatingin, sa mukha ko, sa reakyon ko na parang natuklaw ng sawa. Tumaas ang isang kilay niya na parang naiirita sa tanong ko?
Napangiwi ako nang marealized ko ang aking tanong. Irritating nga. Wala akong masabi kaya nagkusa ang aking bibig. Dahil hindi ko talaga inaasahan na makikita siya rito. Why is he here? I thought he's busy with the business and campaign.
"He's your uncle?" bulong sa akin ni Olly. "Damn you! You didn't tell me that he's still young!"
Hindi ko masagot si Olly dahil pakiramdam ko, kahit bumulong ako ay maririnig pa rin ako ni Uncle Jackson. O di kaya ay mababasa niya ang bukas ng aking bibig. Hindi niya kasi inaalis ang matiim niyang paningin sa akin.
"Hi po." Si Olly na ang nagpakilala sa kanyang sarili.
Tiningnan lang siya ni Uncle Jackson.
"Wala yata si Calder? Bakit ikaw ang sumusundo? How sweet of you naman kay Fran. My friend is indeed a lucky girl."
Siniko ko na si Olly dahil baka kung ano pa ang kanyang masabi. "Aalis na ko. 'Kita na lang tayo tomorrow."
Nagniningning ang mga matang tumango si Olly. "Ow-kay?"
"Let's go, Frantiska." Tumalikod na si Uncle Jackson.
Namilog ang mga mata ni Olly habang habol ng tingin ang nakatalikod ng si Uncle Jackson. Damn Olly! She was looking at his butt for Pete's sake!
"He had a great booty!"
"Olly!" Pinandilatan ko si Olly matapos kurutin sa tagiliran.
"What?" Nakatawang tanong niya.
"Ang halay mo!" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagalit kay Olly. Sumunod na ako kay Uncle Jackson na nakatayo sa tabi ng passenger's side. Siya ang nagbukas ng pinto sa akin.
Sa loob ay super awkward. Kung pwede lang akong lumipat sa backseat ay ginawa ko na. Nakakahiya lang na lumipat dahil magmumukha siyang driver ko, kahit pa sabihing wala namang makakakita dahil heavily tinted ang mga salamin ng kotse. Saka baka isipin naman niya na nag-iinarte ako. So tiniis ko na lang ang thick air sa pagitan naming dalawa.
"Who's she?" tanong niya habang nagmamaneho.
He talked? Talaga?
Hinintay kong ulitin niya iyong tanong niya, kasi medyo mahina iyong una, pero hindi na siya nagsalita pa. "My friend," sagot ko.
Sinulyapan niya lang ako nang saglit na saglit sa rearview mirror saka niya muling ibinalik ang paningin sa daan. Kung umasta siya ay parang wala siyang pakialam na may kasama siya sa loob ng kotse. Napahiya tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Obey Him
Ficción GeneralHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...