Chapter 10

428K 16.8K 3.9K
                                    

NANDITO SIYA!


Nang tingnan ko si Kuya Calder ay burado na ang mapaglaro niyang ekspresyon. Seryoso na siya pero kalmado. Parang hindi siya takot na narinig ni Uncle Jackson na tinutukso niya ako.


"Nagbibiruan lang kami." Gusto kong kutusan ang sarili ko kung bakit pa ako nagpaliwanag.


Lalong kumunot ang noo ni Uncle Jackson. Tumingin siya sa suot na wristwatch. "Calder, pick up Valentina from the airport. She'll message you the details. Take her to Shang after."


"Copy that, Sir."


Tumalikod na si Kuya Calder at nakapamulsang naglakad pabalik sa garahe. Nakasunod ako sa kanya ng tingin pero hindi na siya lumingon pa sa amin.


"You're not replying to my messages."


Bumalik ang tingin ko kay Uncle Jackson. Messages? Nag-text ba siya? Kailan? Kanina nong nasa kotse kami ni Kuya Calder?


"S-sorry kasi—"


"Never mind." Tinalikuran niya na rin ako.


Naiwan ako na para bang may nagawa akong malaking kasalanan. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt gayong wala naman talaga akong ginawa. Maliban sa hindi ko nga nabasa ang messages niya.


Habang naglalakad papunta sa mansiyon ay tiningnan ko ang phone ko. May two messages nga. Wala namang importante, sinabi niya lang na umuwi on time at always be contacted. Ano naman ang ire-reply ko sa ganoong text messages?


Dinner time ay walang imik si Uncle Jackson sa kinauupuan niya. Nasa dulo siya ng pahabang mesa, at ako naman ay nasa gilid. Tatlong upuan ang layo ko mula sa kanya. Sanay naman ako na hindi siya nagsasalita, pero nakakakabag ang dead air ngayon.


Nasa pagkain ang buo niyang atensyon kahit hindi naman siya mukhang gutom. Marahan ang mga kilos niya, maski ang paghawak niya ng spoon and fork ay very gentle. Ni hindi tumatama sa babasaging plato. At kahit ang pag-inom niya ng tubig mula sa baso at mabining pagpupunas niya ng table napkin sa kanyang bibig ay nakasunod ang mga mata ko. The fineness of his features was intimidating because he seemed too perfect. Napailing ako at nagfocus na lang sa aking plato.


Natapos ang dinner na hindi siya nagsalita. Kung sa ibang pagkakataon ay okay lang ang ganito, ngayon ay kakaiba. Ramdam ko kasi na galit siya.


Pero ano ba ang ikinakagalit niya?


Bagsak ang balikat ko nang walang imik na siyang umalis sa mesa. Hindi niya naubos ang pagkain niya. Nagsisikip ang dibdib ko habang habol siya ng tingin.


"Ganda, okay ka lang?"


Mga ilang minuto akong tulala nang biglang magsalita si Ate Minda na nakalapit na pala sa akin. May bitbit siyang tray. "Ayaw mo na ba? Masama ba pakiramdam mo?"


"Busog na ako." Tumayo ako at tinulungan si Ate Minda na magligpit ng pinagkainan. "Okay lang, 'Te. Pagod lang sa school."

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon