Chapter 25

433K 17.7K 10.5K
                                    

Two years passed like a blur. I am now eighteen- in legal age.


Sa mga panahong nagdaan, hindi ko halos nakakasama si Jackson. He was busy during the campaign period and after the election. May pagkakataon na parang nagkakagulatan pa kami kapag nagkikita. Pero kakatwa lang na ang pader na nasa pagitan namin ay tila ba natibag na.


Ngayon nga ay 18th birthday ko na. Ang bilis-bilis ng panahon mula noong pumasok ako sa isang normal university at makaranas makasalamuha ng iba't ibang uri ng mga tao. Hindi lang ang edad ko ang nagbago, pati na rin ang ilan sa pananaw ko. I was no longer naive as I used to be. And I could say that I knew now a lot about the world. 


Puno na siguro ng tao ang garden. Doon kasi gaganapin ngayong gabi ang debut ko. Mabilis na preparation sa tulong ng event planner na pabalik-balik dito sa mansiyon since last month. Kung ako ang tatanungin, ayoko talaga ng magarbong handaan, pero hindi ko naman pwedeng palayasin ang event planner dahil lang sa hindi ko gustong magpaparty, kaya inentertain ko na lang ito at ibinigay ang mga details na hinihingi nito sa akin.


"Barbie!" Nagniningning ang mga mata ng baklang nag-ayos sa akin.


"Thank you, Mommy Pritz." Siya ang hair and make up artist ko. Actually tatlo sila, pero siya ang pinaka leader.


"No. Thank you! Ang sarap-sarap mong ayusan, para kang manika!"


Tumayo ako mula sa vanity chair at humarap sa salamin. Nagco-compliment ang manipis kong make up sa aking color peach tube basque gown. May inilagay ring kaunting highlighter sa balat ko na nagco-compliment sa tunay na mga swarovski crystals sa gown na suot ko.


Inalalayan ako ni Ate Minda pababa ng hagdan hanggang sa pinto ng mansiyon. Madilim na sa labas pero kumikislap ang repleksyon ng mga ilaw mula sa lawn kung saan ginaganap ang party.


"Ganda, saglit lang, ah? Iihi lang ako." Iniwan akong mag-isa ni Ate Minda sa hagdan ng pinto. Katulad ko ay nakagown din siya. Mas simple nga lang ang kanya. Talagang hindi ako pumayag na hindi siya mapagawan ng gown dahil sa lahat ng bisita ay siya lang naman malamang ang kilala ko. She's one of my eighteen candles.


Habang hinihintay siya ay naalala ko ang isa pang kaibigan na piniling umalis sa buhay ko. Wala akong idea kung saang lupalop siya ng mundo naroon ngayon pero kung nasaan man siya, mukhang hindi niya naalala na ngayon ang debut ko.


Bakit ba hinihintay ko pa ang isang tao na iniwan naman ako? Ang dapat sa mga taong nang-iiwan, kinakalimutan.


Nainip ako kay Ate Minda kaya pupunta na sana akong mag-isa sa garden ng may marinig akong sitsit. Napatingin ako sa gate na nasa di kalayuan. Madilim sa part na iyon at walang guwardiya, dahil ang kabilang gate sa may lawn ang nakabukas ngayon para sa mga bisita.


Imagination ko lang yata na may sumitsit. Aalis na dapat ako pero hindi ko magawang bawiin ang paningin ko sa may gawing gate. Para kasing may nakatingin sa akin mula sa labas. Hinanap ko iyon ng tingin ngunit wala naman akong makita.


"Waiting for someone?"


Napapiksi ako nang may mainit na palad na humawak sa akin. "Jackson!"

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon