The Final Chapter

403K 17.1K 8.1K
                                    

Maraming salamat sa pagsama sa akin hanggang sa dulo ng kwentong ito.


"Marsha, you should die so I can have the full custody of your daughter."


The woman's eyes welled with tears as they rushed down her cheeks like a waterfall. "J-just promise me that you will take care of my daughter..."


"You need to go now, Marsha." Lumabas ng kuwarto ang matangkad na lalaking kausap niya.


Patuloy sa pag-iyak si Marsha, she just stopped when she heard a noise—a cough from the bathroom.


"S-sino 'yan?" Kahit nanghihina ay napaangat siya sa kama. "I know someone's in there. Sino ka?!"


The bathroom door opened, and an old man inside pointed a .38 special revolver at her.


Marsha's eyes widened in fear. "Don S-Salvo..."


The old man walked toward the bed with the gun pointed at her. "Masyado ka nang nakakabigat sa anak ko."


Todo iling ang luhaan niyang mukha. "N-no... P-please..."


"Why are you afraid to die? Dito ka rin naman na pupunta at pabibilisin lang natin." Pagkasabi'y kinalabit nito ang gatilyo ng baril sanhi upang malaglag sa sahig si Marsha.


Mabilis namang pinunasan ng matandang lalaki ang baril at saka inilagay sa kamay ng walang buhay na babae. "You can now rest, Marsha. You no longer have to worry about your daughter now."


...


St. Peter Cemetery, PRESENT DAY


Bitbit ang basket na puno ng bulaklak ay bumaba ako ng sasakyan. Sinabihan ko si Tarek na hintayin na lang ako kaysa sumama pa siya sa akin dito. Tinahak ko ang daan papunta sa puntod na pakay ko.


Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi balikan ang nakalagay sa sulat na ibinigay sa akin ni Vice. Oo nabasa ko na ang laman niyon at alam ko na ang tunay na nangyari noon. He's the one who killed my mother.


Ang buong akala ni Vice ay may mapapala siya sa mga Justimbaste kaya ipinagkasundo niya si Jackson kay Mama noon. Umaasa pala si Vice na tatakbo bilang mayor ng Davao si Lolo Isko at alam ng lahat na sure win ang mangyayari dahil minamahal ng mga tao ang lolo ko. Malinis ang reputasyon ni Lolo at kilala ito bilang pilantropo. Pero walang balak si Lolo na pumasok sa politika. Ang gusto na lang ng matanda ay magpahinga. Isa pa, saan kami kukuha ng pangtustos sa kampanya gayong limitado na ang pera ng pamilya namin.


Nang malaman ni Vice na wala siyang mapapala ay sinubukan niyang umatras sa usapan. Pero huli na ang lahat dahil si Jackson na mismo ang may gusto na maipakasal kay Mama. Walang may alam na may sarili na palang usapan sina Lolo at Jackson noong panahong iyon, isang usapan tungkol sa kinabukasan ko.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon