"BAKIT KAILANGAN NITO?" Bakit kailangang may contract? Iniisip niya ba na bigla na lang akong aalis at iiwan siya? Sa tingin niya ba kaya ko iyon?
Kumunot ang kanyang noo. "Is there a problem?"
"Wala naman."
"Good." Ngumiti ang mapula niyang mga labi. "Then sign it."
Kapag ganitong nakangiti siya, iyong simpleng ngiti lang pero makikita mo sa mga mata niya na happy siya ay parang ang hirap niyang tanggihan. Minsan lang kasi ngumiti ang lalaking ito, kaya every time na ngingiti siya ay nagsisirko talaga ang puso ko.
One of my weaknesses when it comes to this man that I could never overcome, his million dollar smile...
"Wait. I'll get you a pen."
"S-sandali!" Naibagsak ko sa center table ang contract.
His lips fell open. Jackson looked offended.
"S-sandali lang..."
Naupo siya sa tabi ko at malamlam ang mga mata na napatitig doon. "You don't want to sign it? Do you?" mahinang sabi niya.
"H-hindi sa ganun." Nagpapanic na ako sa nakikitang emosyon ng mga mata niya. "I was just asking you kung bakit need pa nito? Don't you trust me—"
"I do." Tumingin siya sa akin. Seryoso.
"Kaya bakit may ganito pa?" nananantiyang tanong ko.
"It's stupid, right?"
I bit my lower lip.
"Forget about it," he breathed out. He was about to leave when I stopped him by holding his hand. Nakataas ang isang kilay niya ng lingunin niya ako.
"Nasaan ang ballpen?" nakangiting tanong ko.
Tumaas ang sulok ng bibig niya.
"Ballpen, sabi ko..."
"You don't have to do it if you really don't want to."
Umiling ako. Mas ayoko siyang saktan sa pagtanggi na pirmahan ang contract niya. "Gusto ko. Sige akin na iyong ballpen..."
"I don't want to force you into doing things that you don't like."
"Jackson, isa!"
"But..."
"Dalawa!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Fine." Tumalikod siya at pagbalik niya at may bitbit na siyang black sign pen. "Here."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...