"KUNG KAYA LANG KITANG DALHIN, KUNG PWEDE LANG MAMATAY KA NA RIN!"
Masakit ang mga sinabi ni Mama sa akin pero naiintindihan ko siya. Siguro nasabi niya lang sa akin iyong masasamang salitang iyon kasi nag-aalala siya na wala na akong kasama kapag wala na siya. Malala na kasi ang sakit ni Mama at may taning na raw siya sabi ng doktor, hindi na siya magtatagal. Ang totoo, kahit ako e nag-aalala para sa sarili ko. Kasi tama si Mama, paano na nga ba ako pag nawala na siya? Wala na kaming pera, wala na rin akong kamag-anak na iba... saan ako mapupunta?
Natigilan ako nang maalala na may step-father ako, na may asawa si Mama. Asawang huli kong nakita ay noong kasal pa nila. Ang lalaking iyon ay bigla na lamang naglaho right after their civil wedding. Batang-bata pa ako noon. Hindi na siya muling tumungtong rito sa mansiyon at halos hindi ko na nga matandaan ang kanyang mukha dahil palagi siyang wala. Basta ang alam ko lang, bata pa siya, at masungit siya.
Ano kayang nasa isip ng lalaking iyon? Bakit hindi man lang siya nagpapakita?
Malungkot na lumabas ako ng kuwarto. Pupuntahan ko na lang ulit si Mama. Sisikapin ko na pasayahin siya kahit pa parati siyang galit sa akin. Sisikapin ko pa rin na iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya kahit pa ipagtabuyan niya ulit ako. Nasa second floor ang kuwarto ni Mama, at bilang ang kuwarto ko ay nasa third floor ng mansiyon kaya kailangan ko pang bumaba ng hagdan. Kumunot ang noo ko nang makitang maraming tao sa second floor ng bahay. Pati ang mga bodyguards na naka all black suit ay naroon din. At mayroon ding mga pulis.
"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa malaking lalaki na nakatayo sa paanan ng hagdan.
Nagulat ako ng lumingon ito sa akin. Seryoso ang mukha niya at nakakatakot ang laki ng katawan kahit na nababalot siya ng itim na jacket. May sukbit siyang baril sa tagiliran. "Miss Fran, bumalik ka muna sa kuwarto mo."
Napalunok ako. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Tarek. Siya ang personal bodyguard ng asawa ni Mama. Kaya isa lang ang ibig sabihin kung bakit siya naririto, malamang na narito rin ang kanyang amo!
Naririto ang step-father ko!
Nakita ako ni Manang Nora, ang tagapag-alaga ko rito sa Davao. Agad akong nilapitan ng matanda. "Bumalik ka na muna sa kuwarto mo, Fran. Sige na."
"Pero bakit po maraming tao rito? At bakit nandito si Tarek?"
Napansin ako ang pagka-aligaga ni Manang Nora kaya kinutuban ako ng hindi maganda. Dumagdag pa sa kaba ko ang dalawang nakaputing lalaki na galing sa pinto ng kuwarto ni Mama. Kung hindi ako nagkakamali ay doktor ang dalawang lalaki.
"Manang, nasan si Mama? Anong nangyari sa kanya?!"
Nagsimulang manubig ang mga mata ni Manang Nora. "Fran, hija, sige na. Doon ka na muna sa kuwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag—"
"Ayoko, Manang!" Itinulak ko siya at nanakbo papunta sa kuwarto ni Mama. Sa pagkabigla ng mga kasambahay na naroon ay hindi na nila ako napigilan. Nakapasok ako sa loob ng kuwarto ni Mama.
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...