INIHINTO ni Calder ang sasakyan sa park malapit sa school. Nauna siyang bumaba habang tahimik lang ako sa passenger seat. Kinatok niya ang windshield sa tabi ko kaya napilitan akong bumaba na rin.
"Whoa, you're taller than the last time."
Hindi ko pinansin ang pagbubukas niya ng pag-uusap. Lumakad ako papunta sa bilog na fountain. Nakatalikod ako sa gawi niya habang nakasunod siya sa akin. Nakakainis lang dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon na nandito na siya. Like seriously? Bigla-bigla na lang siya lilitaw na walang pasabi. Parang katulad lang ng pag-alis niya noon.
Napansin niyang wala ako sa mood kaya sumeryoso siya. "How have you been, My lady?"
And he's using that on me again na parang kahapon lang siya nawala.
"Are you still mad?"
Hindi pa rin ako kumikibo.
"I bet you still are."
Hindi naman ako galit. Mas tamang sabihin na nagtatampo siguro. Isa siya sa mga naging unang kaibigan ko. Nasaktan ako nang basta siya umalis nang walang maayos na paalam. I also had feelings for him; he was my puppy love, and I can still remember how I desperately confessed to him four years ago. Of course, it is awkward for us to still talk now, especially since I am already married to Jackson.
Dahil marahan ang mga lakad ko ay bahagya siyang nauna sa akin. Pasipol-sipol siya habang nakapamulsa. Wala sa loob na hinabol ko siya ng tingin at pinagmasdan. His appearance improved. Mas gumuwapo siya ngayon. Mas mukha ring confident kaysa noon. Kung noon ay cool at parang walang kaproble-problema ang mga galaw niya, mas lalo ngayon.
Bumagal siya nang kaunti para pumantay sa akin. "So you're still mad at me, hmn?"
We continued walking around the circle.
"I couldn't blame you, though. I left you."
Tahimik pa rin ako.
"My mom was sick."
Napatigil ako sa paglakad.
"Hindi ko siya pwedeng pabayaan sa oras na kailangang-kailangan niya ang buong atensyon ko."
"Okay na ba siya ngayon?"
Lumingon siya at ngumiti. "Yeah. In fact, she's now in a better place."
Kinunutan ko siya ng noo. "What do you mean by that?"
"She's dead now, My lady. She died last month."
Literal na napanganga ako.
"Pero okay na rin iyon dahil wala na siyang poproblemahin pa. 'Tapos na ang pagdurusa niya sa mundong ito. I'm sure she's happy now."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...