Chapter 4

504K 19.5K 7.6K
                                    

HINDI AKO MAPAGKAKATIWALAAN?


Maybe like my mom, iniisip niya na hindi ako pwedeng pagkatiwalaan. Dahil kahit bago na ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang paniniwalang kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Sa huli, makakagawa rin ako ng bagay na ikasisira ko at ikasisira niya.


"I understand..." Nalulungkot na tumango ako. Kung ganoon, hindi ako matutuloy sa university. Hindi ako makakapag-aral ng college.


Nakatingin pa rin siya sa akin. Ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Dapat umalis na ako, ang kaso parang tanga ang katawan ko na ayaw gumalaw.


Napagod siguro siya sa kakatingin sa akin kaya bahagya siyang umiling. "Fran."


Yes, that's right. Mas gusto ko na "Fran" o "Frantiska" na lang ang itawag mo sa akin kaysa kung ano pa man. Hindi naman ako espesyal.


"Are you mad?"


"Ha?" Napatingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon.


"You looked mad."


Kandailing ako. "H-hindi po." Ano naman ang karapatan kong magalit? Meron ba? Kahit nga magtampo, wala.


Pinisil niya ang ilong ko na aking ikinagulat. "I want you to go to your room now and sleep."


Kailan pa siya naging touchy. At bakit ang ilong ko?


...


Naging magaan naman ang buhay ko sa bago kong tirahan. Mabait ang mga kasambahay, maliban kay Mrs. Cruz na palaging tila problemado sa buhay. Pero so far, okay ako rito. Nami-miss ko nga lang ang aking yaya na si Manang Nora sa Davao.


Alas-sinco na ng hapon, gusto ko sanang mamasyal sa hardin nitong mansiyon ang kaso, pinagbawalan ako ni Mrs. Cruz na lumabas ng kabahayan. Okay lang naman. Hindi naman ako nabo-bored dahil sanay naman ako na nasa kuwarto lang, kahit noong nasa Davao pa ako.


Kung hindi ako mag-aaral ng college, malamang na dito na nga lang talaga sa kuwartong ito ako mabubulok. Wala naman akong magagawa, hindi ko kaya ang sarili ko. Hindi ko kaya si Uncle Jackson.


Tumayo ako sa tapat ng salamin. Hawak ko sa kamay ko ang lip tint na bigay sa akin ng isa sa mga batang kasambahay na si Ate Minda. Nahuli ko kasi siya kanina na nagbebenta ng lip tint sa ibang kasambahay, kaya ito, binigyan niya ako ng isa. Libre ito dahil alam naman niyang wala akong pambayad.


Dalaga na ako. Hindi na masama kung magsisimula na akong magpaganda, di ba?


Naglagay ako nang kaunti sa pisngi at sa mga labi ko. Agad iyong kumulay kahit kaunti lang ang inilagay ko, natural lang ang dating kaya okay lang. Mukhang safe naman itong lip tint dahil organic ito.


Natigil lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko nga pala iyon nai-lock kanina. Sumilip sa pinto ang seryosong mukha ng mayordoma ng mansiyon na si Mrs. Cruz. Agad kong itinago sa likuran ko ang lip tint.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon