DEAD ON ARRIVAL?!
"Dead on arrival na po yung isa." Nakayuko ang nurse nang masalo niya ang nanunumbat kong mga mata.
Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi ng nurse. Sino sa kanila? Sino sa kanila?! Nakakalat na ang media sa aking harapan ngunit tulala pa rin ako at hindi makagalaw.
"Ikaw ang ampon ng mga Cole at kahalikan ni Mayor sa stolen photo na kumalat sa Internet, right? Ma'am, anong masasabi niyo ngayon sa nangyari? Sa tingin niyo ay plano ito ni Miss Valentina Hynarez katulong ang daddy niya para maghiganti?"
Napatitig ako sa camera na nasa harapan ko. Nakalapit na pala sila sa akin nang hindi ko man lang nararamdaman.
"Ma'am, totoo ba na pinakasalan kayo nang lihim ni Mayor? At hindi iyon alam ni Miss Valentina? Totoo bang niloko niyo si Miss Valentina kaya naghihiganti siya sa inyo?"
Sumalit sa isip ko ang luhaang mukha ni Valentina habang hawak niya ang baril na pumatay sa sarili nilang tauhan. Umiling ako at hinawi ang mga camera sa harapan ko.
Hindi ko ilalaglag si Valentina dahil pinili niya ang tama. Katulad ko ay nagmahal at nasaktan lang rin siya. Hindi pa huli para sa kanya. Pero sa ama at tiyuhin niya? Huli na.
"Ma'am, anong masasabi niyo? Pahingi ng statement—"
May mga guwardiya na humarang sa mga media men. May humigit sa kamay ko at nang lingunin ko ito ay seryosong mukha ni Tarek ang aking nabungaran. Inalalayan niya ako palabas ng ospital hanggang sa makarating kami sa nakaparadang itim na Pajero. Binuksan niya ang pinto sa backseat ng sasakyan at inalalayan akong sumakay.
Hindi na ako nagulat nang makita si Ate Minda sa loob. Sinalubong ako ng babae nang mahigpit na yakap.
"Ate..." Napahagulhol agad ako sa balikat niya. Para akong biglang nakakita ng kakamping masasandalan.
"Hush, Ganda..." alo niya sa akin sa boses na garalgal. Maging ang balikat niya ay nanginginig sa mga oras na ito.
Ibinuhos ko ang lahat ng sakit sa pag-iyak. Hinayaan ako ni Ate Minda ng ilang minuto rin. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Kahit si Tarek ay tahimik lang sa driver's seat.
Ring ng phone na hawak ko ang nagpatigil sa akin. Nanginginig pa ako nang sagutin ang tawag.
Basag na boses ng matandang lalaki ang nagsalita. "Fran, wala na siya. Wala na ang anak ko..."
"Fran, saan ka pupunta?" luhaang tanong ni Ate Minda sa akin.
Hindi ko na siya nasagot. Kahit nanghihina ay sinikap kong lumabas ng kotse at wala na akong pakialam sa mga camera na nakatutok sa akin. Patakbo akong bumalik sa ospital habang walang pugto ang pagtulo ng mga luha ko.
Wala nang mga media sa loob. Ang nagkalat na lang ay mga tauhan ng mga Cole. Sinalubong ako ni Vice pero hindi ko na siya napagtuunan ng pansin dahil dire-diretso ang tila may sariling isip kong mga paa patungo sa kinaroroonan ng morge.
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...