Chapter 30

435K 16.9K 3.6K
                                    

TIME CHANGES EVERYTHING.


I'm no longer a child. Hindi na sa isip, sa pisikal, at sa asal. I'm now in the legal age. Nineteen going twenty. Marami na akong alam. Marami na akong bagong nararamdaman. At hindi ko ikakaila ang aking pagkasabik sa mga bago ko pang matututunan.


Huminto kami sa lawn ng mansiyon. Nauna akong bumaba sa motor, kasunod si Jackson. Siya ang naghubad ng suot kong helmet.


"'You okay?" Tinapik niya ang aking pisngi na bahagyang nanlamig.


"Hmn," tango ko.


My heart was beating wildly the whole drive back to Quezon City. Hindi ko namalayan na nakabalik kami. Ni hindi man lang ako nilamig sa byahe dahil sa mainit ang jacket na aking suot at mainit ang katawang yakap ko. Nagworry lang ako sa kanya kasi naka-Tshirt lang siya dahil ako nga ang gumamit ng kanyang black jacket. Pero mukha namang okay lang si Jackson, hindi naman kasi siya nagreklamo. Basta naiinis lang siya kapag lumuluwag ang kapit ko sa kanya.


Siguro kasi giniginaw.


Ngayon na lang kami ulit nag-usap. Buong stay kasi namin sa rest house sa Antipolo ay magkatabi lang kami sa malaking sofa. Nakasandal lang ako sa kanya habang nakaakbay siya sa akin. Ganoon lang kami habang nanonood ng kung anu-ano sa Netflix at nagfu-foodtrip. Chill lang kahit ang totoo e wala akong naintindihan sa kahit isa man sa mga pinanood namin. Ewan ko lang siya.


Hindi ako makapag-concentrate kasi katabi ko siya. Kasi nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Kasi nalalanghap ko kung gaano kabango ang amoy niya. Kasi naririnig ko nang malapitan ang tibok ng puso niya.


At pinakaiisip-isip ko iyong sinabi niyang magsimula kami ulit. Magsimula ng bago. Parang magkakilala palang.


Sinalubong kami ng guwardiya sa mansiyon. Inabot ni Jackson ang susi ng Ducati rito at saka hinila ako sa pulso. Parang wala lang na hawak-hawak niya ako, parang hindi kami pinagtitinginan ng mga tauhan niya sa lawn. Paano ba naman? Naka-uniform pa ako mula sa kahapon kong suot.


It's seven in the evening. Akala ko nga maaga kami aalis sa Antipolo pero buong araw na natulog si Jackson sa sofa— sa kandungan ko. Ayoko siyang gisingin dahil baka iyon na lang ang pahinga niya. Mula kasi ng maging mayor siya ay hindi na siya halos nagpapahinga.


Nang feeling ko tulog na tulog na siya, saka lang ako umalis sa sofa. Ang hirap kasi kapag gagalaw ako e pinipigil niya ang kamay ko. Ihing-ihi na ako pero tiniis ko para lang mapasarap ang tulog niya. Nang makatayo ako ay naligo ako agad at ibinalik sa closet ang stock na damit na hiniram ko sa magdamag. Nang magising siya nagpadeliver ulit kami ng Grab food tapos tahimik na kaming umalis.


"At saan kayo galing?"


Muntik na akong mangudngod sa likod ni Jackson nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nasa gitna ng sala si Vice. Ang daddy niya.


"Uncontacted kayong dalawa since yesterday!" Salubong na salubong ang kilay ng bise prisidente ng Pilipinas. Ang aristokrato niyang mukha ay seryoso, hindi tulad ng ipinapakita niyang palangiting anyo kapag nakaharap sa publiko.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon