Chapter 8

478K 17.5K 5.2K
                                    

NO MORE CRUSHES!


Dahil lang doon sa huling pag-uusap namin ni Kuya Calder ay nai-stress ako. Simpleng salita lang, simpleng ngiti, pero bakit ako nagkakaganito? Ito ang unang beses na nagkaganito ako, kaya hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko. 


Ngayon lang ako nakasalamuha ng ibang tao, at siya pa iyong unang lalaki na nakilala ko. Siya ang unang kumausap sa akin, nakipagkaibigan, at siya rin ang unang nakasama ko nang solo. Alam ko na hindi dapat ang ganito dahil matanda siya sa akin ng sampung taon, at malabong magustuhan niya ang isang teenager na tulad ko, pero ano ang gagawin ko? Hindi na siya maalis sa isip ko!


Pagkababa ko sa sanga kanina ay talagang dinurog ko sa irap si Kuya Calder. Tawa lang siya nang tawa. Ligayang-ligaya!


Wala siyang alam sa kaguluhang nararamdaman ko. Ah, bukas ay magpapalibre ako sa kanya ng fishball para makabawi ako. Sa ngayon, ibabaling ko na lang muna sa iba ang aking atensyon. Ibubuhos ko ang panahon sa aking bagong cellphone.


Thank you, Facebook! Nalibang na ako sa sumunod na mga minuto. Nakakalibang pala ang internet. Ang dami kong bagong natutunan sa mundo. Mula sa mga seryoso hanggang sa kalokohan. At masasabi ko na hindi na ako ganoon katanga ngayon.


Si Kuya Calder ang mukhang tanga. Guwapo nga siya pero mukha siyang tanga. Lalo na noong dumating si Uncle Jackson, nag-transform na naman  into robot ang bodyguard ko na nasa loob ang kulo. Sa naisip ay napangisi ako.


"Kung makangiti ka diyan, para kang nalandi sa lalaki."


Agad kong itinago ang aking cell phone at pati ang ngiti ko nang lumabas mula sa kusina ang mayordoma ng mansiyon na si Mrs. Cruz.


"Kakapasok mo pa lang sa eskwela, Frantiska. Unang araw mo pa lang." Wala siyang kaemo-emosyon maliban sa malamig niyang titig.


"Good evening po, Mrs. Cruz."


"Hindi ka pinag-aaral para kumire."


Napipi ako sa sinabi niya.


"Kung sa Davao ay walang dumidisiplina sa 'yo, dito ay ibahin mo. Hindi ko gusto ang mga babaeng makakati. At tigilan mo ang pakikipaglapit kay Luzviminda, napakalandi non. O talagang nagkakasundo ang mga taong pareho ng pag-uugali?"


Pahiyang-pahiya ako sa mga sinabi niya. Masama ang titig niya sa akin nang talikuran niya ako.


Tama naman siya. Hindi ako pinag-aral para humarot. Pwede naman akong mabuhay nang masaya kahit wala akong crush. Hindi ko pa siguro talaga panahon ang ganon. Bakit ba kasi kailangang magmadali? Saka dapat pag-aaral ang atupagin ko.


"'Musta ang first day of school, Ganda?"


"Ate Minda!" Huminto ako at lumapit sa kanya. Nagpapagpag siya ng mga pillow case sa sofa. "Okay lang po." Naalala ko ang sinabi ni Mrs. Cruz. Naawa tuloy ako kay Ate Minda dahil nahusgahan agad siya nang walang kalaban-laban.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon