"WHAT'S WITH THAT LOOK?"
Napangiwi ako nang simangutan niya ako. Mukhang naasar siya sa aking reaksyon.
"Just accept my request and move on." Tumalikod na siya.
Sungit ni Mayor!
"Oy may LQ kayo?" Nang makaakyat na sa second floor si Jackson ay siyang dating naman ni Ate Minda.
"Ate!" saway ko sa kanya. "Baka may makarinig!"
"Ay, secret nga pala." Tinutop niya ang kanyang bibig.
Napailing na lang ako. Hindi ko na talaga mabago ang iniisip niya about sa amin ni Jackson. Siguro saka ko na lang ipapaunawa sa kanya ang totoo. Ang totoo na wala naman talaga kaming relasyon ng sumpungin na iyon.
"Nakasimangot ka, Ganda. So LQ nga?"
Nakatingin pa pala siya sa mukha ko.
"Hay... Hindi ko mapigilang hindi kiligin." Ngumuso siya. "Hindi pa talaga ako makaget over na may something kayo ni Sir. Dati-rati'y baby ka pa, ngayong bebe ka na niya."
"Ate!" Natatawang tinakpan ko ang bibig niya. "Kung ano-anong sinasabi mo diyan!"
"Sus! Kilig ka naman!"
"Huy di ah!"
"E bat namumula ka!"
"Hindi!"
"Anong ikinakaligaya niyo diyan?" Sabay kaming napalingon kay Mrs. Cruz na nakatayo sa gilid namin. Bigla na lang talaga itong sumusulpot.
"Wala po." Sabay pa halos kaming sumagot ni Ate Minda.
"Wala pala e." Tiningnan ako ni Mrs. Cruz. "Sinabi ko na sa 'yong umiwas ka rito kay Minda dahil malandi ito."
"Hala siya! Ni hindi man lang ako hinintay na umalis muna!" Pabulong pero rinig namang sabi ni Ate Minda. "Grabe talaga si Thunders."
"May sinasabi ka, Minda?" Matalim ang mga mata ni Mrs. Cruz na bumaling sa kanya.
Kandailing naman ang babae habang nakabungisngis. "Naku wala, Mrs. Cruz. Di ko po ugaling magparinig promise. Ayoko kasing nakakasakit ng feelings."
Umismid lang ang babae. "Bumalik ka na sa kusina at tumulong ka maghanda ng hapunan!"
Bago umalis si Ate Minda ay pasimple siyang kumindat sa akin. Naiwan kami ni Mrs. Cruz sa sala. Hindi ko alam kung aalis na rin ba ako o mag-i-stay pa kasi hindi niya ako tinatantanan ng tingin. Ano ba kasing problema niya? May times na mabait siya, may times na ganito, parang gusto niyang lununin ako nang buo.
BINABASA MO ANG
Obey Him
Narrativa generaleHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...