Chapter 18

359K 14.6K 3.8K
                                    

Wala siyang imik hanggang makauwi kami. Kung pwede ko lang hilingin na kainin na ako ng lupa, ginawa ko na. Ramdam ko ang galit niya, pero hindi siya nagsasalita.


Hindi rin ako makapagsalita dahil sa pagkabingi ko sa lakas ng kabog ng sarili kong dibdib. Kinakabahan ako sa iniisip niya. Seryoso siya habang nagmamaneho at panaka-naka kong napapansin ang pagtunog ng mga buto niya sa kamao at pagtatagis ng kanyang mga ngipin.


Nakakatakot siya dahil hindi siya nag-aalinlangan na manakit kapag galit siya. Binaril niya si King! Wala siyang pag-aalinlangan ng gawin niya iyon. Binaril niya nang dalawang beses, pati ang kasama nito!


Natatakot ako sa pwede niya pang gawin at kaya niya pang gawin. Hindi sana madamay si Calder. Hindi ko alam ang pwede niyang gawin ngayon na alam niya na ang nangyari.


Bakit kasi ang daldal ko? Bakit hindi ko muna sinigurado kung sino ang kasama ko?


Baka anong gawin niya kay Calder...


Pagkahinto ng kotse sa garahe ay nauna siyang bumaba. Umikot siya papunta sa passenger's side at pinagbuksan ako ng pinto.


"S-salamat..." Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.


Hinawakan niya ako sa siko at inalalayang makababa. Nasamyo ko pa ang amoy ng mamahalin niyang pabango. Pumikit ako nang mariin saka nagpakawala ng buntong-hininga dahil sa abot-abot na kaba.


Hanggang sa pinto ng mansiyon ay hindi niya ako binitawan. Sana lang ay hindi niya mapansin ang panginginig ko dahil sa pagkakahawak ng mainit niyang palad sa balat ko.


"Hi, Ganda!" Lumabas mula sa kusina si Ate Minda. Natigilan ang babae ng makitang kasama ko si Uncle Jackson. "Ay, Sir! Nandito na po pala kayo!"


"Get her a first aid kit."


"Po?" Napatingin sa akin si Ate Minda. At agad na bumaba ang paningin niya sa braso ko na hawak pa rin ni Uncle Jackson.


"Treat her bruises." Saka palang niya ako binitawan.


Nang makaalis si Ate Minda para kumuha ng ipinapakuha niya ay lakas loob na tiningala ko siya. "K-kaunti lang n-naman ang mga gasgas... H-hindi rin naman malala..."


Hindi ako pinansin ni Uncle Jackson. Blangko ang mga mata niya at ni hindi siya tumitingin sa akin.


"Ito na po, Sir!" Bumalik si Ate Minda at agad na lumapit. "Bakit may gasgas ka, Ganda? Anyare sa 'yo?"


Nanlulumong tiningnan ko si Ate Minda. "Okay lang po ako, 'te. Sorry po. Aakyat na ako sa kuwarto ko..."


"Hindi ka ba muna kakain? Tumawag ang uncle mo kanina e, nagpaluto ng marami kasi magdidinner kayo pag-uwi niyo. E teka, bat umalis nga pala iyon? Akala ko sabay kayong kakain ngayon?"


Umiling ako. Limot ko ang pagod at gutom nang umakyat ako sa hagdan patungo sa second floor. Nanginginig ako sa bawat hakbang ko at kusa ring tumutulo ang mga luha ko kahit anong pigil ang gawin ko.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon