Chapter 55

302K 15.6K 6.8K
                                    

MARAHAN kong tinabig ang kamay ni Jackson. "Bakit ka nagmamadali?"


He looked away.


"Bakit ka nagmamadali? Hindi naman kita iiwan."


"Right," nang-iinsulto ang tono niya.


Nanlaki ang mga mata ko. "It was not as bad as you put it!"


Tinaasan niya ako ng kilay. Sa lagay, mukhang iba ang intindi niya.


"You listen, okay?" I cleared my throat as I tried to calm myself down. "This was what happened, Calder only went to the university because he received a message that could destroy you—"


"I'm not interested." Tumalikod siya.


"Jackson!" Gigil na hinabol ko siya bago pa siya makalabas ng pinto. Hinila ko siya manggas ng suot niyang polo. "Galit ka? Galit ka?! Sabihin mo sa akin kung galit ka!"


Nakatingin lang siya sa pinto at walang imik habang hinahaltak ko ang manggas niya.


Hinampas ko siya braso. "Ikaw lang ang may karapatang magalit dito?! Ako, wala?!"


Here we go again. Hindi na naman siya nagsasalita.


I wanted to scream. Gusto ko na talagang magwala. Kung alam lang niya na siya naman ang inaalala ko kaya kinausap ko si Calder. Nag-aalala lang naman ako sa reputasyon niya kapag kumalat iyong picture. At kahit may hinanakit ako sa kanya ay ayoko pa rin siyang mapahamak. Ayoko siyang saktan kaya nga uuwi pa rin ako sa kanya kahit anong mangyari.


Nanghihinang binitawan ko siya saka ako yumuko. I was mentally shaking my head. Ganito na naman. Sobrang naf-frustrate na ako. "H-hindi naman ako sadyang nakipagkita sa kanya..." pumiyok ang boses ko.


I could feel his eyes on me.


"Wala naman akong masamang ginagawa..."


Bigla niya akong hinila sa kamay at saka ikinulong sa matitigas niyang bisig.


Sumubsob ako sa dibdib niya. "Bakit parang ako iyong masama? Ni hindi mo man lang inalam muna kung bakit kami nag-uusap!" Napahagulhol na ako.


Masuyo niyang hinagod ang likod ko. "Tahan na..." he softly said, kissing my forehead.


Parang tanga naman akong sumunod at huminto sa paghikbi. Nakasubsob pa rin ako kay Jackson habang yakap-yakap niya ako. Kumakalma nang kusa ang sistema ko dahil lang sa pagkakalapit namin. Kilalang-kilala na siya ng katawan ko.


Ngayon na lang pala ulit ko siya nayakap nang ganito. Siguro namiss siya ng katawan ko kaya nawalan na naman ng logic ang utak ko, natalo ng pangungulila ko sa init ng katawan niya.


Marahan siyang humiwalay sa akin matapos ang ilang minuto. Gusto ko pa na habulin sana siya, iyon nga lang ay nagising na ang control ko. Mabuti naman at nagising na pati ang pride ko, dahil doon gumana na ulit ang utak ko. Kasi dapat galit din ako. Dapat galit ako. Siya ang mas may kasalanan sa akin kung tutuusin pero para akong siraulo na ang rupok-rupok sa kanya.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon