Chapter 27

436K 16.9K 7.7K
                                    

Pwede bang iregalo ang kiss?


Napakurap ako habang nakatingala sa kisame ng aking kuwarto. Naaamoy ko pa rin ang mabangong hininga ni Jackson at nararamdaman ko pa rin ang init niya.


Nakarinig ako ng katok sa labas ng pinto. Mahihinang katok. Binaha agad ako ng kaba at excitement na hindi ko alam kung saan nagmula. Bakit ako kinakabahan at nae-excite? Baliw na ba ako?


Tumayo ako para buksan ang pinto ng kuwarto. But it was Ate Minda—Hindi siya. Hindi iyong inaasahan ko sana.


"Bakit dismayado ka?" nakataas ang isang kilay na taong niya sa akin.


"Po?" Napalunok ako. "Ah, hindi, ah! Nagulat lang ako, 'Te, kasi anong oras na pero nandito ka. May kailangan po ba kayo sa akin?"


Itinulak niya ako nang bahagya para makapasok siya sa loob ng kuwarto. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Narinig ko ang pagtunog ng lock kaya napatingin ako sa mukha niya.


"Bakit, Ate?"


"Fran, hindi sa nanghihimasok ako, ah."


Kinabahan ako agad sa klase ng kanyang tono. Saka hindi niya ako tinawag na "Ganda" ngayon.


"Alam ko na yaya lang ako dito sa bahay na ito. Pero magkaibigan tayo at concerned ako sa 'yo."


"Ate Minda, ano po bang sinasabi niyo?" tagaktak ang pawis na tanong ko. Biglang nawalan ng silbi sa akin ang nakatodong aircondition ng kuwarto ko.


"Dalaga ka na, at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo, pero hindi sa mga bagay na bago ka pa lang."


"Ate Minda, hindi ko po kayo maintindihan—"


"Nakita ko kayo ni Sir Jackson sa verandah."


Napatigagal ako.


"Nakita ko kayo na naghahalikang dalawa!"


Napayuko ako sa hiya.


"Hindi ko alam kung ano ang meron sa inyong dalawa. Naguguluhan ako. Hindi ka naman malihim sa akin, kaya nagulat ako sa nakita ko."


Hiyang-hiya ako sa kanya na hindi ko masalubong ang mga tingin niya sa akin.


"Oo matagal ko nang napapansin na napaka-protective sa 'yo ni Sir Jackson. Sobrang protective na halos pakialaman niya na ang lahat para lang masure ang kalagayan mo. Matagal ko na ring napapansin na ikaw lang ang dahilan ng pagbabago ng mood niya. Ikaw lang rin ang halos nakikita ng mga mata niya sa bahay na ito."


Natatakot ako sa mga sasabihin pa niya pero nakaabang naman ang mga tainga ko na pakinggan siya.


"Puro ikaw. Laging ikaw. Wala nang iba kundi ikaw. Pero sa lahat ng iyon, iniisip ko lang na baka kaya siya ganoon dahil sa ang tingin niya sa 'yo ay responsibilidad ka niya."

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon