Chapter 31

404K 14.1K 3.5K
                                    

GUSTO NIYA AKO. Tumingin ako sa nakabukas na bintana. Maaga akong nagising para isipin siya. He opened his life to me. Dinala niya ako sa Antipolo, ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa mommy niya at nagpalipas kami ng magdamag at maghapon na kami lang dalawa—sa iisang sofa.


Ramdam ko ang pagapang ng init sa aking magkabilang pisngi. Kahit hindi ko maamin sa aking sarili ay ina-anticipate ko na ito kasi parang gusto ko rin— "Mali 'to..."


This was a big deal. It was not new to me if someone confessed their feelings to me because it already happened several times in the university, but Jackson was a different story. Kahit sabihin pang napakabata niya pa, kahit napilitan lang siya sa kasunduan na pakasalan si Mama, hindi pa rin iyon dahilan para makatakas kami sa panghuhusga. 


Hindi rin ako babagay sa isang nakakalulang tao na tulad niya, hindi lang dahil mayor siya ng isang city, dahil bukod pa roon ay matalino siya, maraming achievements, at kilala. Ano ako kumpara sa kanya? Wala pa akong napapatunayan sa mundo.


Kahit gaano pa ako kaganda e palamunin pa rin ako.


Unlike his ex, Valentina Sozia Hynarez. Isang babaeng maipagmalalaki. Malamang na bukod kay Val, may iba pang babae na mas deserving sa kanya kaysa sa akin.


Jackson used to think of me as a child. Bakit ba kailangang mag-iba? At bakit din pati ang nararamdaman ko sa kanya ay nagbago na?  Isang taon lang ang nagdaan, pero nagkaganito na. Ano ba ang nangyari sa aming dalawa?


Napapikit ako nang mariin. "No. Hindi pwede!" Binatukan ko ang aking sarili. "Mali nga 'to! Gulo 'to!"


10:30 a.m. nang bumaba ako kinabukasan. Nalaman ko kay Ate Minda na nasa mansiyon pa rin si Jackson. And he was looking for me.


"Hindi siya pumunta sa munisipyo?"


"Kakauwi lang niya. Ayun nagsu-swimming, stressed siguro."


Hindi na ako nagtanong sa mood ni Jackson. Pumunta na ako sa pool area. Minsan lang naman kasi siya magswimming at iyon ay kapag hindi maganda ang mood niya. Huli ko na ang ganoong gawain niya. Madalas kapag mag problema sa kompanya niya o sa munisipyo, saka lang siya naglulublob. Pang alis siguro ang tubig ng init ng ulo. Kapag good mood naman siya ay sa gym siya ng mansiyon naglalagi. Ano kayang problema niya ngayon? Badtrip ba siya dahil hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya kagabi?


Saktong paglabas ko ng mansiyon ay ang pagtalon niya sa pool. Tumalamsik ang tubig kasabay ng paglubog niya. Sa kinatatayuan ko ay nasisinag ko siya sa ilalim na lumalangoy papunta sa kabilang bahagi ng pool. Itim na plain trunks lang ang kanyang suot at mahahaba ang mga hita at binti niya. Magaling talaga siyang sumisid kahit noon pa.


"Tawag mo raw ako," agaw ko sa atensyon niya nang umahon na siya sa kabilang part ng pool.


Hindi siya tumingin sa akin. Pagkaalis sa pool ay tinungo niya ang puting tuwalya na nasa open cabana. Ang tuwalya ay hindi niya ginamit para sa basa at hubad niyang katawan kundi pangkuskos lang sa tumutulong tubig mula sa kanyang buhok. Nakatingin lang ako hanggang matapos siyang magpunas. Parang ginulo niya lang ang buhok niya gamit ang tuwalya, saka niya iyon isinampay sa kanyang balikat.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon