One week ko na siyang hindi nakikita. Gigising ako, wala na siya. Matutulog ako, wala pa siya. Ganoon parati. Umiiwas siya sa akin. Ayaw niya akong makita.
Wala na rin akong bodyguards. Okay lang, I'm safe now dahil wala naman na si King sa DEMU. Pero hindi lang naman iyon ang nagbago. Ang totoo, ang daming nagbago. Nakakauwi na ako ng late at walang kumu-kwestiyon sa akin. At kahit hindi ako maghapunan sa gabi, walang katulong na mangungulit sa akin na kesyo pagagalitan sila ni Uncle Jackson 'pag hindi ako kumain. At kahit lumabas ako ng mansiyon, wala na ring mga guwardiya na humaharang sa akin.
He'll go easy on me. Iyon siguro ang ibig niyang sabihin don. Ang kaso hindi ako mapakali dahil sa huling pag-uusap namin. Nagtatampo siya sa akin dahil kay Calder at iyon ang pinakamalabong bagay na akala ko ay pwedeng mangyari.
"Wala pa ba si Uncle Jackson?" tanong ko kay Ate Minda. Pababa siya ng hagdan ng tawagin ko.
Napahinto siya sa pagbaba. "Ay, nasa study room na, ganda. Kakarating lang. Nagpahatid nga sa akin ng kape. Ay teka, bat pala gising ka pa?"
"Kakausapin ko sana siya. Salamat, 'Te." Iniwan ko na siya para puntahan si Uncle Jackson. Alas dose na ng hating gabi sinadya ko na hindi pa matulog para maghintay. Sabi ko na, hintayin ko lang siya at maaabutan ko siya. Noong nasa tapat na ako ng pinto ng study room ay hindi naman ako makapagdesisyon kung kakatok ba ako o hindi. Binaha ako ng kaba bigla.
Ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Sorry? Sorry ulit? Sorry saan? Sorry na mas natuon ang pansin ko kay Calder kaysa sa kanya? Napangiwi ako. Kaya ko ba?
Kaya ko bang humarap sa kanya? Saka naaalala niya kayang birthday ko na bukas?
Minuto ang lumipas na nakatayo pa rin ako sa tapat ng pinto at kung kailan kakatok na ako ay saka ako nakarinig ng lagutok ng heels sa marmol na sahig. Pagtingin ko sa pinanggalingan ng paparating na yabag ay nakita ko si Val, si Valentina Zosia Hynarez.
"It's midnight, young lady. Why are you still awake?" Walang kangiti-ngiti ang mga labing nitong namumula sa nakapahid na lipstick.
Gabing-gabi na bakit nandito ka? Sa isip ko lang iyon sinabi pero gustong-gusto kong isaboses kay Val. Bigla ay kumulo ang dugo ko sa kanya, siguro kasi dahil hating gabi na ay labas pa ang cleavage, pusod at mga hita niya sa suot niyang halos kapirasong tela na lang.
Maganda naman sa kanya ang damit niya, bagay naman sa kanya, kaya lang ay ano ang magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng aking dugo.
"Pumasok ka na sa kuwarto mo, hija," utos niya sa akin. May diin ang huling salita. May kaakibat ding sarkasmo.
"Kakausapin ko pa sana si Uncle Jackson."
"Hindi ba makakapaghintay bukas ang sasabihin mo sa kanya?"
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong.
"Matulog ka na, Fran. May mas importante kaming pag-uusapan ng uncle mo." May diin na naman ang kanyang salita, sa parteng 'uncle' nang banggitin niya.
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...