Prologue

1.1M 24.7K 10.8K
                                    

Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains sensitive topics that some of you may find disturbing such as adult situations, strong language, psychological issues, law breaking, and violence. Readers' discretion is advised. Please feel free to leave if this is not your kind of story.


Obey Him (Red Note Society #2)


Original story by JamilleFumah
© JFstories2019


No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.


-------------------------------------------------


SINO ANG AYAW NG PERA?


Oo ang pera ay hindi ka tunay na paliligayahin, pero ito ay kaya kang buhayin. Masakit man tanggapin, kung mas marami kang pera ay mas higit din ang matatanggap mong paggalang. Iyon ang katotohanan na mahirap nang baliin sa mundong ito kailanman.


Bata pa lang ako pero nauunawaan ko na nang bahagya ang lahat. Na ang tao ay hindi mabubuhay nang walang pera, dahil ang pera ay hindi lang para sa kasiyahan, kundi para makaraos ka rin sa pang-araw-araw mong pangangailangan. 


Nakita ko ang panghihina ng aking lolo mula nang bumagsak ang aming negosyo. Nakita ko rin kung paano mawalan ng amor si Mama sa papa niya dahil hindi na nito maibigay ang kanyang luho. At nakita ko rin kung paanong unti-unti, nawalan ng kaibigan ang pamilya namin. 


Pero hindi papayag si Lolo na maging luhaan kaming lahat. Ang lolo ko ang pinakamatalino, pinakamapagmahal na tao na nakilala ko sa mundong ito. Ang nag-iisang nagmamahal sa akin, maliban sa namayapa kong lola na ngayon ay nasa langit na. 


"Bakit masaya ka ngayon?"


Isang matandang lalaki ang lumapit sa akin. Nakita niya ako na nangingiti habang nakatulala sa munting hardin sa labas nga aming kabahayan. Ito na ang huling araw, pagkatapos ay ang mansiyon na ito ay magiging pag-aari na ng mga Cole, gayunpaman ay masaya ako.


"Dahil ang bago kong daddy ay isang prinsipe. Napakaguwapo niya, maganda siya manamit at pino ang kanyang kilos at pananalita."


Isa ito sa patunay na matalino at mapagmahal si Lolo. Gumawa siya ng paraan upang mailigtas ang aming kabuhayan, sa pamamagitan ng prinsipe na napili niya. 


"Gusto mo ba siya?"


Mabilis akong tumango kay Francisco Justimbaste, siya ang aking lolo. Ang papa ng mama ko.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon