"DON'T MOVE."
Butil-butil ang pawis ko habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. It was painful, but I can still manage.
"Stay put, Fran. We're almost there."
It's fine. Natitiis ko pa naman. Mas masakit lang ang ngayon kaysa kanina. A while ago, he tattoed a bar code with the date today on the left side of my neck. Ngayon naman ay nasa groin ko na ang needle. He's going to put his sign there. Masakit dahil manipis ang skin sa part na ito.
Nagulat ako nang sabihin niya kaninang huhubarin niya ang cycling shorts ko. Hindi na ako tumutol dahil noong sinabi niya iyon, hindi naman siya humihingi ng permission. Sinabi niya iyon para gawin ko.
Tumingin ako kay Jackson na nakatingin pala sa akin. I could only see his eyes dahil may suot siyang surgical mask. Ina-assure ako ng mga mata niya.
Pahapyaw niyang binanggit kanina na lahat ng napapangasawa ng mga kasamahan niya sa secret underground fraternity na ito ay kailangang may bar code sa gilid ng leeg. The bar code with the date kung kailan ginawa ang tattoo at initial nila. Sa groin naman ay signature nila. Of course gamit ang isang super expensive special ink. Hindi nga lang invisible ink na katulad ng sa kanya.
Yup sinabi niya na rin sa akin na hindi niya lang mga kabusiness partners ang mga kaibigan niya kundi brothers niya sa fraternity—the Red Note Society. It's an elite private underground fraternity.
Iyong note na tattoo niya sa leeg at iyong barcode ko sa leeg ay pass para makapasok sa place na ito. May invisible laser iyong elevator kanina, at kung wala kang tattoo o kasama na may tattoo sa elevator ay masusuffocate ka dahil magbubuga raw ng poison smoke sa loob. Parang pinaka-protection ang identity pass para makarating dito. Nandito rin daw kasi sa basement ang pinaka-bank ng grupo nila. Hindi lang raw pera ang nakadeposit dito, kundi pati gold bars. Ganoon sila kayaman. Isa rin kasi sa negosyo na pinagsososyohan nila ay oil and mining business.
Hindi niya binanggit kung sino-sino ang mga kabrod niya, malamang mga pribado at mayayamang tao ang mga iyon. Mga kasosyo niya sa negosyo, malalaking negosyo. Hindi na ako nagtataka kung bakit payaman si Jackson kahit pa hindi naman lahat ng negosyo ng daddy niya ay hinahawakan niya. May own business siya at mukhang kumikita iyon ng ilang digits sa ilang oras lang.
Bilang asawa ng isang member ng RNS, required na may sign kami sa balat. It's like wearing them on our own skin. Pagiging possessive siguro ay isa rin sa reason ng tattoo. Pero isa sa mga katanggap-tanggap na reason ay pass nga ito para dito sa underground. Para may access din kami dito at sa pera at ari-arian ng mga asawa namin.
I know it's crazy, but I trust Jackson. I trust my husband. Katulad ng nagtitiwala rin iyong babae na nasa labas doon sa asawa nito.
Pumikit ako nang muling dumikit sa balat ko ang karayom. Masakit talaga...
"Done." Napadilat ako nang magsalita siya.
Nakatayo na si Jackson sa harapan ko habang hinuhubad ang suot na guantes ng mga kamay.
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...