Epilogue

373K 14.9K 7.4K
                                    

"Ang sakit sa tainga puta!"


I removed my goggles and earmuffs. Ubos na ang labing dalawang target na ngayon ay gula-gulanit na sa dami ng bala na pinakawalan ko. I looked at Roosevelt who's now already beside me.


"Sunod-sunod na putok baka mabuntis na 'yang target."


Sa likod ni Roosevelt ay sumulpot din sa dilim ang isang lalaking nakasuot ng itim na button down polo na itinupi ang manggas hanggang siko. It was Acid Thunderwood.


My brows furrowed when I looked at the brown envelope that he was handing me. Ganito kabilis. Agad-agad ay may kasunod na ang pinagawa ko kahapon. Mga ebidensiya ang laman ng envelope laban sa ama ni Olly Bernice Ong. Ang nauna kahapon ay ang dalawa sa dating kaklase ni Frantiska na nanakit sa kanya. Parehong na-kicked out sa DEMU at nakalkal ang baho ng mga negosyo ng bawat pamilya ng mga ito.


"Her father's now in prison," Acid told me.


"Pwede pa 'yang mag-pyansa," si Roosevelt na nakasandal sa dingding ng training room habang ang mga kamay ay nakapamulsa sa suot na fitted ripped jeans. "Pero magtatanda na 'yan. Ang dami niyang kaso. Tuloy-tuloy na rin ang pagbagsak niyan. Naglitawan pa iyong ibang inagrabyado dahil may mga nauna ng naglakas-loob na lumaban."


I don't know if Frantiska will be happy to hear this, but I am happy to punish those bullies by destroying their families.


"'You okay, brother?" Inakbayan ako ni Xerxes na hindi ko man lang namalayan na naririto na rin.


I just nodded at him.


"Did you take your med today?" si Acid.


I didn't bother answering him dahil alam naman niya ang sagot. Pinatay na ni Roosevelt ang ilaw sa training ground nang lumabas na kami papunta sa billiard arena ng RNS basement. Doon ay naabutan namin si Alamid na nagbi-billiar kasama ang asawa niya. Sa tabi ng billiard table nila ay may maliit na grey sack and by the looks of it, siguradong pera ang laman.


Ingrid, Ala's wife, waved her hand at us. "Hi, boys!"


Tinanguan siya ni Acid. "Hey. Long time no see, Mrs. Wolfgang."


Ngumiti si Ingrid. "Napadaan lang kami. Haba kasi ng pila sa bank so we decided na dito na lang kumuhua ng pera. We're going to donate today to our chosen orphanage."


Ibinaba ni Ala ang tako ng bilyar at nag-angat ng tingin. "Our leader will be here later." Sa akin huminto ang mga mata niya. "You know he's worried about you, JC."


He's talking about our fraternity's leader, Panther Foresteir. Panther was the owner of this building. Utak niya ang lahat mula sa mga negosyo namin hanggang sa mga koneksyon ng grupo.


Nilapitan nina Xerxes, Roosevelt and Acid si Ala to exchange fist bumps with him. Nakangiti pa rin si Ingrid sa amin. I wonder kung matutulad ba si Frantiska sa kanya na magiging palagay rin sa lugar na ito at sa mga ka-frat ko. Wala naman akong mga kaibigan at ang mga tao lang rito sa basement ang madalas kong pinakikisamahan. I think it would be nice to see Fran getting along with my frat brothers' wives.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon