Chapter 29

436K 16.1K 4.1K
                                    

Classes – All levels. Public and private in Quezon City are suspended today due to inclement weather.


Lumabi ako habang nakatingin sa glass window ng study room ni Jackson. Mabuti at natuluyan ang pag-ulan kung hindi ay parang tanga lang siya na nagsuspende ng klase kahit wala namang ulan. Tsk. Hindi rin talaga siya umalis ng bahay maghapon para lang magpaturo sa akin gumamit ng social media.


Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Jackson. Wiwi break lang ang nagpa-stop sa session namin. Kung hindi pa siya naihi ay hindi niya pa ako tatantanan.


Naupo siya ulit at humalukipkip. "Where are we?" seryosong tanong niya na akala mo naman e isang napakabuluhang bagay ang pinagkakaabalahan namin.


"Facebook pa rin." Iniscroll ko ang newfeed niya. "Kailangan mong mag-add ng friends para hindi boring ang FB life mo." At para hindi kami lang ni Valentina ang nasa friendlist mo dahil nakakainis ang ganun!


"All right. Add Minda."


"Si Mrs. Cruz add ko rin?" biro ko. Wala naman kasing FB si Mrs. Cruz. Sinearch ko na pero wala talaga. CP nga nun e Nokia 3310 pa. Ewan ko bakit ganun iyon e may pambili naman ng mas magandang phone kung gugustuhin. Malaki pa ang sahod niya ng dalawang beses kaysa kay Ate Minda kasi mayordoma siya sa mansion.


"She has an FB?" Gulat naman si Jackson.


"Wala. Joke lang. Patola ka."


"Patola?" Nanlaki ang mga mata niya.


Napakamot ako ng pisngi. Ang hirap kapag masyadong seryoso ang kausap mo, hindi makasakay sa mga simpleng joke.


Need ko pa tuloy i-explain. "Patola, ibig sabihin, mapagpatol."


Wala siyang kibo. Namumula ang pisngi at dulo ng kanyang ilong. Galit ba siya?


"Galit ka ba? Joke lang naman iyon... Hindi naman kita kinukumpara sa patola. It's just a word na ginagamit kapag—"


"Don't use that word again." Nag-iwas siya ng tingin.


"It's a millennial word."


"Whatever. Where are we again?" Ibinalik niya ang paningin sa phone.


Nanulis ang nguso ko sa kasungitan niya. "Sa pag-a-add po ng friends, Mayor."


Nakasimangot na siya at hindi na nawala iyon. Hay, sa haba ba naman ng pag-stay ko sa DEMU, at pakikipahgkwentuhan kay Ate Minda, ang dami ko ng na-adopt na millenial words. Iyong mga nauuso. Pati ng beki language at mga pamimiloso, ang dami kong learnings. Nakalimutan ko na ang kaharap ko pala ay isang seryosong tao na parang hindi dumaan sa childhood.


Nasa swivel chair siya at ako ay sa isang upuan na nakaharap sa kanya.


Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon