"MASAKIT NA."
It's already ten in the morning. Kanina pa nagriring ang phone ni Jackson sa bedside table at kanina pa rin kami kinakatok ni Ate Minda pero parang wala siyang balak kumilos.
"Jackson... may sugat na yata ako..."
Lumingon siya sa akin. Magkatabi kami sa ibabaw ng kama sa mga oras na ito.
"Alisin mo na please?"
Bumangon siya at ichineck ang pulso ko. Namumula na iyon at halos magsugat na dahil sa bawat paghila ko ng kamay ko ay lalong humihigpit ang pagkakaposas sa akin. Nakikiskis ang balat ko lalo sa bakal.
Kinuha niya ang susi sa loob ng bulsa ng kanyang jeans. Nang maalis ang pagkakaposas namin ay tumayo siya. Pagbalik ay may dala na siyang medicine box. Tahimik niyang nilagyan ng Betadine ang maliit na galos sa pulso ko at saka tinakpan ng band aid.
"Hindi ka ba pupunta sa munisipyo ngayon?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Magre-resign na ako," he quietly said.
"No!" Napahawak ako sa braso niya. "Hindi pwede. Kailangan ka ngayon ng mga tao. May krisis ngayon at kailangan ng Quezon City ang mayor nila."
Tumango siya. "I'll be back before six."
Napalunok ako. "H-hihintayin kita..."
Tumitig siya sa mga mata ko. "I believe you."
"I love you..." Inabot ko ang mga labi niya para halikan siya nang magaan.
Pero ang magaan na iyon ay biglang dumiin at lumalim nang hindi niya ako pakawalan. He kissed me like there's no tomorrow. Like he was aiming to eat me.
Inilapat ko ang aking mga palad sa dibdib niya para marahan siyang itulak. "S-sige na... You should go. Kailangan ka ng mga tao..."
He let out a sigh. "All right."
Tahimik siyang tumayo at pumunta sa banyo. Paglabas niya ay nakatuwalya na lang siya at tumutulo ang basa niyang buhok patungo sa kanyang balikat at dibdib.
Tumayo ako para tuluyan siyang maghanap ng damit. Kulay puting polo at dark jeans ang pinili ko para sa kanya. Ako na rin ang nagtupi ng bawat siko niyon. And the whole time, Jackson was just staring at me.
"Ingat ka..."
Nagulat ako nang bigla niya akong kabigin at yakapin. "You'd still be here when I get back, right?"
"Mmn..." I nodded.
He pulled me closer, his lips on my ears. "I love you."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...