ANG DAMI KONG TEXT, wala man lang reply. Kainis. 'Tapos noong umuwi siya kagabi, dinaan niya lang ako sa kalabit. Hay, kapag talaga love mo, mabilis kang mapapaamo. Kahit gusto ko pang magtampo, makita ko lang siyang nakatitig sa akin, nauubos na agad ang lakas ko.
Pagkagising ko naman ngayong umaga, wala na si Jackson. Pagod ako magdamag kaya hindi ko na siya namalayang umalis kanina.
Nagmadali na rin akong maligo at mag-ayos para maaga akong makarating sa school. Gusto ko pa kasi sanang mag-library bago pumasok sa first class. Pagbaba ko ng hagdan ay napansin ko agad si Mrs. Cruz sa tapat ng landline sa sala. Pabulong ang boses ng may edad na mayordoma habang gigil na hawak ang telepono.
Out of curiosity ay nilapitan ko siya para pakinggan.
"Nora? Sinong Nora? Sa Davao? Ayaw ni Sir Jackson na tumatanggap ng tawag galing diyan—"
Agad kong inagaw kay Mrs. Cruz ang telepono. Gulat siyang napalingon sa akin. "Punyeta!"
"Sorry, Mrs. Cruz," mabilis na hingi ko ng pasensiya. Nabigla lang naman kasi talaga ako kaya naagaw ko iyong phone. Mukha kasing pagbababaan niya na si Mang Nora. "Kilala ko po ang caller. Siya po ang nag-alaga sa akin sa Davao noon," paliwanag ko sa kanya.
"Ano ngayon?" Kumunot ang noo ni Mrs. Cruz. "Ayaw ni Sir Jackson na basta-basta tumatanggap ng tawag kahit kanino. Lalo sa Davao dahil—"
Kumunot din ang noo ko. "At bakit naman po bawal tumanggap ng tawag from Davao?"
Hindi ako naniniwala na ipinagbabawal ni Jackson ang pagtanggap ng tawag from Davao. Alam naman ng asawa ko kung gaano kahalaga sa akin si Manang Nora at ang mga kawaksi sa mansion na tinirahan ko sa Davao kaya bakit niya pagbabawalan na makausap ako ng mga ito?! Hindi ko maintindihan.
Hindi naman na nagsalita si Mrs. Cruz sa halip ay inirapan ako saka tinalikuran.
Nang wala na si Mrs. Cruz ay agad kong sinagot si Manang Nora. Sobrang miss ko na siya. Mula nang itapon ni Jackson ang SIM ko sa dati kong CP ay wala na akong contact kay Manang Nora. Hindi ko na tuloy siya makumusta.
"Fran!" sabik na tawag sa akin ng matandang katiwala sa mansion sa Davao.
"Hello po, Manang!"
"Diyos mio! Ang hirap niyong contact-in diyan! Palagi akong pinagbababaan ng tawag ng mga katulong diyan! Tapos iyong bigay mong CP number, itinitext ko, hindi ka naman nagre-reply! Para saan pa't pinadalhan mo ako ng cell phone noong nakaraang buwan kung hindi rin pala kita ma-contact! Hay naku, kung maalam lang sana ako sa social media ay doon na kita hahagilapin, ang kaso ay hindi ko talaga matutunan 'yang fesbuk na 'yan!"
"Sorry na, Manang... Hayaan niyo, sasabihin ko ang mga tao rito na kapag kayo ang tatawag, sabihin agad sa akin."
"E bakit ba pati ang telepono mo sa kuwarto ay hindi na rin macontact?"
BINABASA MO ANG
Obey Him
Tiểu Thuyết ChungHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...