"BILHIN NIYO KAHIT ANO. AKONG BAHALA."
Sabay-sabay naghugis malaking O ang mga bibig nina Hilda, Elvy and Bea. Nagkalabitan at nagsikuhan pa sila, obviously shocked sila. Naninibago bigla na parang hindi nila ako kilala. Hindi na sila nakatanggi dahil nakabook na agad ako ng Grab car. Napa O na lang ulit sila ng makitang sa Greenbelt Makati kami papunta.
Sa Greenbelt 4, first floor kami unang nagpunta. Lahat ng madaanan naming boutique ay pinapasok namin—I mean pinipilit ko silang pasukin namin. From Bottega Venetta, Gucci, Jimmy Choo, lahat binilhan namin—I mean "ko".
Bakit ba ako matatakot manlibre? Mayaman kaya ang asawa ko.
Nothing's wrong with this. I am a rich man's wife, hindi naman masamang waldasin ko ang pera ni Jackson at i-treat ang mga kaibigan ko na naging mabuti sa akin. Hindi ako maluhong tao pero hindi masamang sumubok ng mga bagay na bago katulad nito.
At pagkatapos, gusto ko ring mag-donate ng malaki-laki sa mga pina-follow ko sa Facebook na orphanage.
"Fran, are you really sure about this?" Nanlalaki ang mga mata ni Bea habang hawak ang paper bag kung saan nandoon ang Jimmy Choo shoes na ibinili ko sa kanya. Worth Fifty thousand pesos iyon.
"Bakit gusto mo pa ba ng isa?" Hinila ko siya. "Come on. Pili ka pa."
Nagbutil-butil ang pawis ni Bea.
Binalikan ko sa labas sina Hilda at Elvy. May bitbit na paper bags ang dalawa. "What about expensive cosmetics?" I asked them.
Napansin ko kasi na wala man lang silang kahit anong kolorete sa mukha. Plan ko rin silang ibili ng pang skin care at ipa-salon na rin. Masyado silang mga simple kaya madalas na tuksuhing nerd at makaluma.
Wala silang nagawa nang hilahin ko sila ulit sa kung saan. Kahit tumatanggi ay pinipilit ko pa ring ibili sila ng kahit anong sa tingin ko ay babagay sa kanila. Huminto lang ako nang ibalik na sa akin ng cashier ng isang boutique ang mga cards ko.
"What happened, Fran?" worried na tanong ni Hilda. Sa tatlo ay siya ang pinakakabado. Siya kasi ang talagang hindi sanay sa pagsh-shopping. Hilda came from a poor family at nakapasok lang siya sa DEMU because of her scholarship. Kanina pa talaga siyang pinagpapawisan nang malapot kahit napakalamig ng AC dito sa mall.
Nginitian ko siya. "Maxed out na."
"Hala..."
"Don't panic, Hilda." Kinuha ko ang ATM card ko at niyaya sila sa bangko. Saglit lang ay nakapagwithdraw na ako. "Girls, what about luxury jewelry?"
Napanganga na naman sila.
"Chanel, like niyo?" tanong ko habang naglalakad kami. Hindi na sila magkada-ugaga sa mga bitbit na paper bags.
Unang napalunok si Bea.
But this time ay hindi na ulit ako nakapagwithdraw. Said na lahat ng mga ATMs at kailangan kong gumawa ng paraan para magkapera. Nagpaalam muna ako kina Hilda na aalis lang sandali. Iniwanan ko sila sa isang mamahaling resto at nagpahatid ako sa Grab car papuntang Foresteir tower.
BINABASA MO ANG
Obey Him
Aktuelle LiteraturHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...