"THIS WILL BE YOUR NEW HOME, DOLL."
This was the first time he called me that. Siguro dahil hindi na talaga nagbago ang tingin niya sa akin mula pa noon, isang batang babae na kargo niya.
He's cold. Pero kahit nakakapaso sa lamig, naaabot ko na siya ngayon. Parang bigla niya na lang akong binigyan ng access na malapitan siya. O guni-guni ko lang iyon?
Pumasok kami sa loob ng kabahayan. Nauuna siyang maglakad sa akin papasok sa mansiyon. "You'll be fine here."
Namimilog ang mga mata ko sa paglingap sa paligid. Mas malaki, mas modern talaga ang bahay na ito kaysa sa mansiyon sa Davao. Isang babaeng payat at hindi hindi palangiti ang lumapit sa amin sa entrada ng mansiyon. Sa tingin ko ay nasa mid forties lang ang edad ng babae, pero pinapatanda ito ng seryoso nitong ekspresyon. Parang mahirap biruin dahil mukhang magagalitin.
"Welcome back, Sir Cole," pormal na pormal na bati nito kay Uncle Jackson, ni hindi ako tinapunan ng kahit katiting na tingin.
Kulay puti ang plantsadong uniporme nito na wala ni isa mang dumi o mantsa. Sarado hanggang sa dulo ang butones nito kaya mukha na itong hindi makahinga, at may ribbon ito sa dibdib na kagaya ng sa ibang kasambahay sa mansiyon.
"Mrs. Cruz, I would like you to meet Fran. She'll be living here with us starting tonight."
Saka lang ako tiningnan ng babae. Tinaasan ng kilay.
Itinuro sa akin ang magiging kuwarto ko na sabik ko namang pinuntahan. Mas malaki rin ang kuwarto ko rito sa Maynila kaysa sa mansiyon sa Davao. Mas maaliwalas din dito. Siguro dahil walang masakit na alaala rito.
Matapos kong magbihis ay bumaba ako ng hagdan para lang matigilan dahil sa isang pag-uusap. Bumalik ako at binisita ang paligid. Sa dulo ng hallway ay merong malaking veranda kung saan may dalawang lalaking nakatayo.
"You brought her here?"
Agad akong nagtago sa likod ng posteng haligi. Kilala ko ang lalaking kausap ni Uncle Jackson, siya ang vice president ng bansa, si Vice Salvo Cole III. Nakita ko na siya noon sa civil wedding nina Uncle at Mama. At ngayon ko na lang ulit siya nakita.
"Well, ayos lang. At least hindi ka masasabihan ng mga tao na wala kang kwentang stepfather. Mas maigi na rin kung ipapasok mo siya sa malaking university here in Manila."
Namilog ang mga mata ko sa excitement. University? Mag-aaral ako sa isang university?!
"I will think of that."
"Come on, son. Bakit kailangan mo pang pag-isipan?" May iritasyon sa boses ni Vice.
"Hindi sanay si Fran na makihalubilo sa ibang tao."
Napasimangot ako. Paano naman kasi ako masasanay e hindi naman niya ako hinahayaang humalubilo sa ibang tao? Ever since, home schooling ako.
BINABASA MO ANG
Obey Him
Fiksi UmumHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...