Calder is a breath of fresh air. Unang lalaki na naging kaibigan ko, unang lalaki na nakapalagayan ko ng loob, at unang lalaki na nagbigay ng kulay sa dating black and white kong mundo.
Hindi ako worried sa realization na may gusto ako kay Calder. In fact, I am relieved that it's him that I like. The first time I met him in Davao, I trusted him instantly because I could feel that he was a good man.
Alam ko rin na hindi siya ang tipo na magti-take advantage sa sitwasyon. Hindi ko nga lang sigurado kung may nararamdaman din ba siya sa akin na kahit kaunting atraksiyon. O baka talagang naaaliw lang siya sa akin. Although he said he loves me, that could mean many things.
Kahit malaking bulas ako at nasa college na, I am still sixteen. Actually, going sixteen. Ang puwede pa lang sa akin sa mga panahong ito ay crushes.
"Can I call you Calder now?" tanong ko na hindi sa kanya nakatingin. Wala lang. Bagay naman sa kanyang hindi kuyahin dahil mas isip-bata pa yata siya sa akin.
Nang lingunin ko siya sa ulit ay napasabunot siya sa kanyang ulo. Para siyang biglang naaburido. Pigil na lamang ang ngiti ko.
...
Pagkauwi sa mansiyon ay kaswal na naghiwalay kami ni Calder. Kasabay ng pagbaba namin sa sasakyan ay ang pagkabura ng mga ngiti namin at pagseryoso ng aming mga mukha.
Bago ako pumasok sa pinto ng mansiyon ay pasimple ko siyang nilingon, pasimple rin siyang lumingon sa akin. Pormal ko siyang tinanguan bago ako tumalikod.
"Andito ka na pala, ganda!"
"Hi, Ate Minda!"
"May pinabibigay si Sir Jackson sa 'yo." Nakangiti niya akong hinila. Sa kilos niya ay para bang excited na excited siya. "Bilin niya na ipakita agad sa 'yo pagkauwi mo!"
"Ano?" Napasunod ako sa kanya sa sala dahil hindi niya na binitawan pa ang kamay ko. Kahit ayoko ay nakaramdam din ako ng excitement.
Ano na naman kaya ang meron ngayon?
Huminto kami sa tapat ng malaking center table sa gitna ng kulay abong mamahaling carpet. Bumagsak ang mga balikat ko at nabura ang aking ngiti. Sa ibabaw ng mababang lamesa ay may tatlong paper bag na may tatak ng mga brand na alam kong hindi biro ang presyo.
"Dinala iyan ng shopper ni Sir Jackson kaninang tanghali. Pinabili raw iyan sa 'yo ng uncle mo, at tumawag pa siya talaga para ibilin na ibigay iyan sa 'yo pag uwi mo."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hinawakan ko ang unang paper bag. Kulay orange ito at nababasa ko sa labas ang brand na Hermes. Hindi ko na inusisa ang loob dahil hindi ako interesado. Hindi ako mahilig sa bag. Lalo sa mamahaling bag. Bakit niya ako binilhan ng mga ito?
Para bang ang pagkain kaninang umaga at ang mga mamahaling gamit na ito ay...suhol? At bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam ko.
"Alam mo ang swerte-swerte mo, ganda," nakalabing sabi ni Ate Minda. "Hindi mo pa hinihiling, ibinibigay na sa 'yo. Sobrang swerte mo talaga."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...