"THAT MOTHERFUCKING BEAST!"
Bumalik si Valentina matapos lang ang ilang oras. May ibinato siyang envelope sa harapan ko. Sumabog sa sahig ang laman niyong mga papel. Hindi ko man mabistahan nang isa-isa ang mga papel ay sapat na ang ilang parte na nahagip ng mga mata ko.
"S-saan mo nakuha 'yan?"
"I found that envelople in Calder's cabin. Fortunately, he's no longer there when I arrived." Sinipa niya ang mga papel sa sahig para magkahiwa-hiwalay. Inilapit niya sa akin ang mga iyon gamit ang paa niya na may suot na pulang high heel stilettos.
Ang mga papeles na nasa harapan ko ay ang mga ebidensiyang sinabi ni Calder sa akin noong huling pag-uusap namin. Ang mga ito ang nagsasabing hindi nagpakamatay si Mama. Hindi nagpakamatay kundi pinatay.
"I'm still in shock, you know?" Tumawa pa si Valentina at umiling-iling. "He's really a motherfucking beast!"
Nanghihina akong tumingala sa kanya. "Can you read those papers for me?"
"What?"
"Sinabi ba diyan na si Jackson ang pumatay kay Mama?" mahinang tanong ko.
Napalunok siya at napatitig sa mga papeles na nasa sahig.
"Hindi sinabi, di ba? Sinabi diyan na pinatay si Mama, na hindi siya totoong nagpakamatay, pero hindi sinabi na si Jackson ang pumatay sa kanya!"
"Sino sa tingin mo ang gumawa?" Pinulot niya isa-isa ang mga papeles. "Sino, Fran? May gagawa pa bang iba kung hindi siya? Siya lang ang intensiyon. Siya lang!"
Pumatak ang mga luha ko. "He told me it wasn't him..."
And I believed him that time... but now? I don't know.
"Goddammit! You are fully aware that his words never supported his actions. You fucking know it but you're not doing anything! You're letting him deceive you!"
Lumuluha akong umiling.
"No!" Valentina snapped. "We are not talking about a normal guy here, Fran. We are talking about Jackson Fucking Cole!"
Para akong mabibingi sa malakas na boses ni Valentina.
"Pinatay niya ang mama mo! Pinatay niya tapos ayaw mong maniwala?! Ayaw mong tanggapin ang totoo kasi umaasa ka na normal na tao lang iyong pinaguusapan natin dito! No, Fran! Gago si Jackson!"
Tahimik lang akong umiiyak. Durog na durog ako. Pinabayaan ko siyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin. Tinanggap ko lahat ng masasakit na salita dahil siguro nga deserve ko lahat iyon. Deserve ko iyon sa pagiging gullible ko. Dahil kahit gulong-gulo ang utak at damdamin ko, gusto ko pa ring makita si Jackson.
"A beast is not worthy of a beauty like you," she said with a mocking tone. "Kung sana umiwas at lumayo ka na lang, baka wala ka rito. Baka hindi magiging patapon ang buhay mo. Dahil sayang ka, Fran."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...