Chapter 49

322K 12.4K 4.2K
                                    

NANG mahimasmasan ako ay sumunod ako kay Jackson palabas ng kuwarto. Akala ko hindi ko na siya maaabutan kaya nagulat ako nang makitang kalalabas niya lang sa study room. Isinara niya ang pinto at sa isang kamay niya napako ang aking mga mata. He was holding a gun in his left hand!


"Jackson!" tawag ko.


Kalmanteng tinungo niya ang hagdan na parang hindi man lang ako nakita o narinig.


"Jackson, ano ba?!" Wala akong pakialam kahit nakayapak akong humabol sa kanya. Sa pagkataranta ko, hindi ko na pala nasuot kahit ang aking home slippers. Naabutan ko siya sa braso ngunit tuloy lang siya sa pagbaba.


Hindi niya ako pinapansin hanggang makarating kami sa sala. Siguro galit siya dahil nalaman niyang sinuway ko siya, ibinigay ko ang number ko kay Calder, pero may paliwanag naman ako na ayaw niya lang pakinggan.


"Jackson, please..." Humihingal na humarang ako sa harapan niya bago pa siya makalabas ng main door. "Bakit ba may baril ka? What are you going to do with that?!"


Doon niya lang ako tiningnan, at parang ngayon niya lang narealized na nakasunod ako sa kanya. "I told you to stay in your room," malamig na sabi niya.


"Paano ako mag-stay e ganyang para kang wala sa sarili!" Kumapit ako sa braso niya. "Please let's talk at ibaba mo 'yang baril mo!"


"He's outside." Tumingin siya sa nakabukas na pinto.


"Please, magusap na lang tayo... Please, please..." Takot na takot na ako.


"Didn't you hear what I've said? There's a man outside and he's waiting for my wife." Malamlam ang mga mata niya. Oo kalmado siya pero mas natatakot ako sa pagiging kalmado niya.


"Wala akong balak lumabas," matigas na sabi ko. "Hindi ko alam kung anong sadya niya, baka may itatanong lang or nakalimutan dito sa mansiyon."


"How did he get your number?" kunot ang noong tanong niya.


"Hindi ko ibinigay... Siguro nga hihingi lang siya ng favor kaya kinuha niya ang number ko sa school. Nag-iiwan kasi ako ng number sa library kapag nanghihiram ako doon ng libro." Wala akong balak ipahamak si Calder kaya hindi ko sinabi ang nangyari kanina.


"Go back to your room," malumanay na ang boses niya.


"Tara..."


Ayoko siyang iwan dito magisa dahil alam kong lalabas pa rin siya. At tama ang hinala ko dahil pinagpag niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Walang salita siyang lumabas ng pinto at kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi niya ako pinansin.


Wala akong nagawa kundi sumunod na rin. Sinenyasan ko ang mga guwardiya sa labas na sumunod para in case na magkagulo, may aawat. Pero ni hindi man lang ako sinunod ng mga guwardiya palibhasa walang utos na galing mismo kay Jackson.


Nakangisi si Calder nang lumabas kami ng gate. Nakatayo siya sa tabi ng kulay pulang Ducati big bike. Nakapatong sa upuan niyon ang kulay itim niyang helmet. Iyon pa rin ang suot niya nang puntahan niya ako sa DEMU kanina. Meron siyang hawak ngayon na isang color brown envelope.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon