MY FIRST GUY FRIEND. My first crush. My first love...
Oo alam kong bata pa ako para sabihin kong in love nga talaga ako, pero kung hindi love ito? Ano ito?
"I hate him." Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Naglalakad ako ngayon sa hallway patungo sa study room.
Wala naman akong balak gumawa ng labag sa kagandahang asal. Isang one-sided love lang ito na gusto kong alagaan sa puso ko. Isang simpleng kasiyahan, isang munting inspirasyon sa malungkot kong mundo... Pero wala na ito. Wala na dahil sa isang makasariling tao!
Hindi na ako makapag-isip nang malinaw. Bulag na bulag ako sa hinanakit. Pakiramdam ko ay inagawan ako ng kaligayahan at kalayaan. Galit ako ngayon. Galit na galit at hindi ko kontrolado ang bugso ng damdamin ko. I wanted to see him to blame him for my first heartbreak.
"I hate you, Uncle Jackson. I hate you so much."
Ayaw niya akong maging masaya? Ano ang gusto niyang mangyari sa buhay ko? Maging miserable na katulad niya? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Meron ba? Bakit ginaganito niya ako?
"Palibhasa kasi walang nagmamahal sa kanya kaya gusto niya, maging miserable rin ako na tulad niya."
Huminto ako sa tapat ng pinto ng study room. I know he's inside. Malamang nagtatago. Ayaw niya kasi akong makita dahil alam kong galit din siya sa akin. Ganito naman siya palagi, akala mo diyos na siya lang ang may karapatang magalit sa lahat. Ang tingin niya kasi sa lahat ng bagay sa mundo, kontrolado at pag-aari niya.
Hindi ako kumatok, basta ko pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. Siguro naman this time ay wala siyang kababalaghang ginagawa.
Nadatnan ko siyang nakatayo sa gilid ng table niya. Nakatingin siya sa dingding at tila may malalim na iniisip. Ni hindi niya nga napansin na nakapasok na ako sa loob ng study room.
Tatawagin ko na sana siya para sabihin sa kanya ang mga salitang inipon ko at pinaghirapang buuhin—pero bakit ganito? Bakit bigla ay napipi ako?
Habang nakamasid ako sa kanya ay hindi ko rin namalayan na tumatakbo na ang segundo na nakatayo lang ako sa bungad ng pinto. Uncle Jackson was really blessed physically. Sobrang guwapo niya kahit pa ganitong magulo ang kanyang buhok at hindi maayos ang pagkakabutones ng suot niyang polo. Hindi ko masisisi si Valentina sa karupukan niya sa lalaking ito.
Gumalaw ang mahahabang pilik-mata ni Uncle Jackson. Marahan siyang kumurap saka yumuko at mahinang nagsalita. "May kailangan ka?"
Napakislot ako dahil alam niya palang nandirito ako. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "C-can we talk?"
Bwisit! Bakit ako pumiyok?!
Walang emosyon ang mga mata niya ng tingnan niya ako.
Muli akong huminga nang malalim at tinatagan ang sarili para masalubong ko ang mga tingin niya na nakakapanghina. "Alam ko gasgas na 'to, but I want to say sorry." Diretso ang paningin ko sa kanya habang nagsasalita. "Sorry kasi nagsinungaling ako at itinago ko iyong nangyari."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...