CHAPTER 1: The Concert

62 4 0
                                    


Salamat kay iamkathleenmarie (kaibigan ko at number 1 supporter ko) sa tulong mo. Para sa'yo to dzae. Hahaha.

----------------

GIRLS' SIDE (INTRODUCTION)

"Hoy babae! Saan ka na ba! Ang tagal mo! P*ta!" galit na sabi ng isang dalagang matangkad, morena, long hair at nagsusuot ng grey na t-shirt na may print na 'BTS' at sa ibaba nun ay 'JIMIN'. Siya si ALCHI.

Tinatawagan niya sa phone ang kaibigan niyang magiging dahilan kung bakit hindi sila makakaabot sa concert ng BTS.

"Hoy Chi! Ang lakas ng boses mo! Mahiya ka naman. Wala tayo sa tiyangge!" Saway ng kaibigan niya na si Mericris dahil nakatingin ang mga taong dumaan sakanila.

Long at wavy ang hair nito, may katangkaran din pero mas matangkad si Alchi, morena din ang balat nito. Nakasuot rin sya ng katulad kay Alchi, pero 'JIN' ang nakalagay sa baba.

"She didn't change at all. Tsk. Ilang taon ka na nga MANANG?" pang-asar ng isa pa nilang kaibigan na isang dalaga rin na morena rin ang balat, katamtaman lamang yung height at may long and wavy hair. Sa kanilang barkada, siya yung may pinakamalakas na karisma sa boys kaya ang daming nakalinya para sakanya. Siya si Denise. Nakasuot din sya ng katulad ng mga kaibigan niya pero 'JUNGKOOK' ang nakalagay sa baba.

"Alchi, wala pa ba si Leah? Baka hindi na tayo makakaabot sa concert nito." sabi ng isang dalagang lumapit kay Alchi. Maputi ito at may inosenteng mukha,hindi masyadong matangkad. Siya si Mary. Nakasuot rin sya ng tulad ng iba niyang kaibigan pero 'HOSEOK' ang nasa baba.

"Iiwan na lang kaya natin sya? She's wasting time!" naiiritang sabi ng isa pa nilang kaibigan na mukhang mataray. Umirap ang kanyang mga mata dahil sa inis.

Maganda sya, matalino, nasa kanya na ang lahat. Siya ang pinakabata sa pitong magkakaibigan pero sya ang pinakamature sa grupo kung umasta. Nakasuot din sya ng BTS shirt pero 'TAEHYUNG' lang yung sakanya.

"Wag ka nga! Hintayin na lang natin. Baka makidnap yun! Kita pa ang hingan ng pang ransom! Ayokong mawalan ng malaking pera." pabirong sabi ng isa rin sa kanila. Siya si JESSEL. Maputi, brown eyes, may pagkamoody ang bruhang to. Minsan mabait, minsan masungit. minsan seryoso, minsan din parang nakadrugs, high na high. Ang ewan lang!
Nakasuot rin sya ng BTS shirt pero 'YOONGI' ang nasa baba.

Tumawa na lang ang mga kaibigan niya sa sinabi niya.

Hindi nila namalayan na dumating na ang pinag-uusapan nila.

"Hoy! Tara na! May hinihintay pa ba kayo?" sabi ng bagong dating na isang dalagang nakasalamin, hindi masyadong maputi, okay lang yung height, long and straight ang buhok. Siya si Leah, ang babaeng naging rason kung bakit iritang irita si Kathleen at galit na galit si Alchi.

Nakasuot din sya ng BTS shirt pero 'NAMJOON' ang nakalagay sa baba.

"Sino sa tingin mo ang hinihintay namin, bruha ka?!" inis na sabi ni Alchi sakanya. Nagkasalubong na nga yung dalawang kilay niya sa inis.

Magsasalita pa sana si Alchi pero pinutol na sya ni Kathleen.

"Tumahimik na kayo. Mag aabang na tayo ng masasakyan."

Tumahimik na nga sila at nag abang ng masasakyan para makakapunta na sila sa concert ng kanilang mga iniidolo.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon