CHAPTER 6.1: The Dare Starts..

19 2 0
                                    

GIRLS' SIDE

"Dito sa hotel and resort natin?! Da Pak!" reaksyon ni Alchi nung nalaman niyang sa hotel and resort nila sya magbabaliwan.

"Don't worry,Chi. Hindi ka naman kilala ng mga tao dito eh, well except sa mga staffs natin. Titignan ka lang ng mga customers dito na parang isang customer ka rin lang." sabi naman ni Kathleen sakanya.

May-ari kasi sila ng JAMM FLIPHDARK HOTEL & RESORT. Pero hindi lang silang pito ang nagmamay-ari nito, may iba pang lima nilang mga kaibigan na nag asawa at nagkaanak na ang nagmamay-ari rin nito.
Ang iba sakanila ay may mga trabaho pero parang extra extra lang nila yun. Ang iba naman ay may iba ring maliit na business na talagang dream na nila simula nung mga bata pa sila.

May iba pang mga branches ang JAMM FLIPHDARK HOTEL & RESORT sa iba't ibang bansa. At yung lima nilang mga kaibigan ang namahala ng lima sa mga branches nila sa buong mundo. Ang main branch ay dito sa Pilipinas at dito sila ngayon tumuloy.

May mga beach houses dito at tinutuluyan nila ang isa sa mga ito for their vacation leave sa mga trabaho nila o kung wala silang mga trabaho.

"Oo nga! Titignan nila ako na parang isang baliw na customer. Nakakatawa yun diba?" sarcastic na sabi ni Alchi at inirapan sila ng kanyang mga mata.

Tumango sila at tumawa. Binalewala nila ang sarcasm ni Alchi.

"Nakita mo yung grupo ng mga lalaki na naka cap na nagbabasa ng magazine malapit sa swimming pool?" Tinignan naman ni Alchi ang tinuro ni Mericris.
Nakita naman iyon ni Alchi kaya tumango sya.

Pero kumunot ang noo nya nung may mapansin sa mga ito. Para kasing may 'something' sa mga ito na hindi niya ma-pinpoint.

"Sila ang sasayawan mo." nakangiting abot langit na sabi ni Mericris sakanya. Halatang excited sa gagawin ni Alchi mamaya.

Tumango lang si Alchi na parang ready na ready sa challenge.

Nagulat sila dahil hindi na ito naiinis o nagagalit sakanila. Tinanggap lang nito ang kapalaran nito.

Nagsimula ng maglakad si Alchi patungo sa grupo ng mga lalaki.

"Go Itoy! Kaya mo yan!!" pag cheer naman ni Jessel sabay tawa.

"Lodi ko yan!" sigaw naman ni Leah habang tumatawa ng malakas.

Hindi sila pinansin ni Alchi at nagpatuloy sa misyon. Narinig niya ang tawanan ng mga kaibigan niya—tawang nakakapikon.

Tumahimik sila nung nakita nila si Alchi na nakalapit na sa mga lalaki.
Nakita nila na may sinabi pa si Alchi bago ito nagsimula. At dun na naman nagsimula ang tawanan nila.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon