Chapter 34.1: Date Pt. 1

9 1 0
                                    

BOTH SIDES

"Bakit ang tagal nila? Naman o!" sabi ni Alchi na para bang nawalan ng pasensya. Nakatingin ito sa kanyang relos.

"Baka nagpapagwapo pa sila, Chi. Ang liit talaga ng pasensya mo. Tsk." sabi naman ni Leah at inirapan si Alchi.

"Hindi naman mabuti na paghintayin nila tayo ng dalawang oras, diba? DALAWANG ORAS! Ako nga, 30 minutes lang ako natapos magbihis." sambit muli ni Alchi na parang naiinis na.

"Ikaw yan Alchi eh. Ikaw lang naman ang madaling makapagbihis at makapaghanda sa amin na para bang may laging humahabol sayo." sumbat ni Denise na naka poker face lang.

"At sa pagkakaalam ko, hindi dalawang oras KAMI naghintay sakanila, kundi 5 minutes pa lang. Ikaw lang naman ang naghintay ng dalawang oras dito." sabi pa ni Kathleen na ikinainis pa lalo ni Alchi.

Akmang sasagot na sana si Alchi ngunit napatigil sya dahil nakita na nila ang kanilang hinihintay.

Ang mga boyfriends nila.

Habang papalapit ang mga ito, ay parang nasilaw naman sila sa kagwapuhan ng mga ito. Mukhang pinaghandaan talaga nila ito.

Napatingin naman ang mga girls sa mga suot nila ngayon. Mukhang alipin lang sila sa mga suot nila ngayon.

"Hi girls! Sorry to keep you waiting so long." sabi ni Namjoon sa mga babae.

Nakatingin lahat sila sa mga babae na parang nag sosorry sa mga ito. Pero hindi nila maiwasan ang pagtitig nila sa mga babaeng nasa harap nila ngayon. Sa isip nila, mukhang magiging invisible sila sa mga tao pag kasama ang mga to.

Napangiti na lang sila sa mga ito.

"A-ah, n-no, it's okay. We didn't wait that long." nakangiting sabi ni Alchi sa mga lalaki.

Hindi naman napaghandaan nila ang sagot ni Alchi. Parang binato sila ng mga bato sa ulo.

Napatingin naman sila ni Alchi na parang nagsasabing, "really niga?" Pero hindi na sila nagsalita. Pwera na lang kay Mary.

"Teka nga! Akala ko ba---hhmph!"

Natigil ang pagsasalita ni Mary nang mahigpit na takpan ni Alchi ang bibig nito. Kahit anong gawing pumiglas nya ay hindi nya magawa. Hanggat sa..

"Aray! Ba't ka ba nangangagat?!" inis na sabi ni Alchi at agad hinimas himas ang kamay na kinagat ni Mary.

Napa smirk si Mary sa kanya at parang iniinis pa ito lalo nang inilabas nya ang dila nya.

"Aba't!--"

Agad namang umawat sina Jimin at J-Hope sa pagbabangayan ng mga nobya nila. Madali kasi nilang na sense na may paparating na sapakan.

"Ganito ba ang babaeng to pag nagka boyfriend?" bulong ni Mericris kay Jessel.

"Hayaan mo na yan si itoy. Remember, ngayon nya lang naranasan magka boyfriend sa buong 25 years of existence nya." sabi ni Jessel na natatawa ng mahina.

Napataas naman ang isang kilay ni Mericris kay Jessel.

"Ikaw rin naman ah. Ngayon mo lang din naranasan. But you took it na parang sanay ka na nito." sabi ni Mericris at tumawa ng mahina.

Tumigil naman sa pagtawa si Jessel ng marinig yun. Namula na lang sya sa hiya.

Hindi naman sya tinukso lalo ni Mericris at hinayaan na lang ito.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon