CHAPTER 23: Coincidence

13 2 0
                                    


GIRLS' SIDE

4:00 am

Nagising agad si Denise sa tunog ng alarm niya at bumangon.

Lumabas sya ng beach house at pumunta sa dalampasigan. Humiga sya dun sa mga buhangin at naghihintay sa taong inaasahan niyang pupunta sa oras na ito.

Maya-maya lang ay narinig na niya ang mga yabag ng mga paa na papunta sa direksyon niya.

Agad syang bumangon at nilingon ang nagmamay-ari nun.

"Jung---JIMIN?!"

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang si Jimin ang nakita niya imbis na ang taong inaasahan niya.

"DENISE?!"

Mukhang nagulat din ito nang makita si Denise. Parang hindi nito inaasahang siya ang nandito ngayon.

"I thought---!" Nanlaki ang mga mata nila nang nagkasabay pa silang nagsalita.

"Are you expecting that, that particular someone will come here in this hour?" tanong ni Jimin sakaniya na nakasmirk.

Nag smirk din si Denise sakanya. "Are you saying that to yourself?" sambit niya dito at napataas ng isang kilay.
Hindi niya pinahalatang nabuko sya nito.

Tumawa ng mahina si Jimin.

"Feisty! Why did he not see that in you?" sabi nito.

Kumunot naman ang noo ni Denise sa sinabi nito. "Who's 'he'?"

"You already know who's 'he', Denise. So, why are you expecting Jungkook to be here this early?" tanong ni Jimin sakanya.

"I could ask you the same question, you hypocrite." sabi ni Denise na napairap sa kanyang mga mata.

Tumawa naman si Jimin nang makita niyang naasar si Denise. Pero agad ding naging seryoso at tumabi kay Denise na umupo sa mga buhangin.

"Let's be serious here. So, why are you expecting him to be here?" tanong ni Jimin nang nakatabi na ito ni Denise.

Kumuwala muna ng buntong hininga si Denise at napatingin kay Jimin bago sumagot. "I just think that maybe I can find him here in this hour, since Alchi found him here last time."

Niyuko ni Denise ang ulo niya sa hiya. Parang ngayon lang niya na realize kung gaano niya kagusto si Jungkook na sinakriprisyo pa talaga niya ang tulog niya para dito.

Natahimik naman sila ng ilang minuto bago nagsalita si Jimin.

"I guess we have the same thought."

-------------------

"Wow! Ang aga natin ah!" malakas na sambit ni Leah nang makita si Denise sa kusina na naghahanda ng kanilang agahan.

"Akala ko pa naman na ako yung pinakamaagang nagising. Tsk." dagdag pa ni Leah.

Nung nakababa na sya ng hagdan, tumungo siya sa kusina at tinulungan si Denise na maghanda ng mga pagkain nila.

"Ano kasi..ang aga ko kasing nagising at hindi na ako makabalik sa pagtulog kaya napag-isipan kong mag-ikot ikot sa labas." sagot ni Denise sakanya at hindi pinahalatang nagsisinungaling.

"Wag mong sabihin na coincidence lang ang pagkaparehong rason niyo ni Alchi nung maaga rin syang nagising? Hmm? Wag mong sabihin na si Jimin yung kasama mo kanina?" sabi ni Leah.

Biglang napaso si Denise sa kawali na ginamit niya sa pagluto nung marinig ang pangalan ni Jimin.
"Oww!"

"Okay ka lang?!" naalarma naman si Leah nang marinig niyang umaray sa sakit si Denise.

"ANONG NANGYARI SAINYO DYAN?!"

Napalingon naman ang dalawa sa nagmamay-ari ng tinig na yun na dumadagundong sa buong bahay. Nakita nilang kasama nito ang iba nilang mga kaibigan na bago lang gising.

"Wag kang mag-alala, Alchi. Napaso lang ako." sagot naman ni Denise sa kaibigan niyang tumatakbong pababa na ng hagdan dahil sa pag-alala.

"Ako na dyan. Lagyan mo yan ng toothpaste." sabi ni Alchi nang nakalapit na sya sa dalawa at pinalitan si Denise sa pagluluto.

Lumapit naman ang ibang mga kaibigan nila sa kinaroroonan nila.

"Next time, magdahan dahan ka naman." nag aalalang sabi ni Mary kay Denise.

"Dahil ba sa sinabi ko kaya ka napaso?" tanong ni Leah kay Denise.

"Ano ba kasing sinabi mo sakanya?" nagtatakang tanong ni Kathleen kay Leah.

"Ang aga kasi nitong nagising at parehong-pareho naman sila ni Alchi ng rason kaya tinanong ko kung nakasama niya rin ba si Jimin dahil nakasama rin ni Alchi si Jungkook last time." sagot ni Leah.

Napatingin naman silang lahat kay Denise at nag expect ng sagot mula dito.

Iniisa-isang tinignan ni Denise ang mga kaibigan niya hanggang sa napunta ang tingin niya kay Alchi.

"Oo..Nakasama ko si Jimin kanina." sagot niya.

Nakita pa niyang nasaktan ng konti si Alchi sa pag confirm niya.

Napatingin naman ang iba nilang kaibigan kay Alchi at tinignan ang magiging reaksyon nito.

"A-ah ganun ba?" nauutal na sabi ni Alchi dahil pinigilan niya ang luhang malapit nang tumulo.

Nasaktan sya sa thought na gumaganti ang kaibigan niya dahil sa pagkamalapit nila sa gusto nitong lalaki. Masyado ba niyang nasaktan si Denise?

"Chi, don't get me wrong. Coincidence talaga yun. Hindi ko naman alam na si Jimin yung pupunta dun.. Akala ko kasi...
"Akala ko kasi na si Jungkook yung pupunta dun.. I was hoping na kapag magigising ako ng 4 am katulad mo, baka makita ko rin sya dun sa spot na pinuntahan mo.
"I'm sorry.. I sounded desperate already." paliwanag ni Denise.

Nayuko naman ni Denise ang ulo niya sa hiya dahil para syang desperada sa sinabi niya.

Nagulat na lang sya nang bigla syang niyakap ng mga kaibigan niya.

"I'm so sorry, Nis. At sorry din dahil pinag-iisipan kita ng masama...
"Gusto mo bang layuan ko na lang si Jungkook?" sabi ni Alchi.

"Wag. Ano ka ba! Naging kaibigan mo na yung tao, bakit mo naman lalayuan? Nang dahil lang sakin? No. Kaibigan kita,chi. Hindi kita gustong masaktan nang dahil sakin." sagot ni Denise na may ngiting totoo sa labi.

"Hindi rin naman kita gustong masaktan ng dahil sakin." sabi rin ni Alchi at niyakap pa ng mahigpit si Denise.

Sinapak naman niya si Alchi at narinig niya pa itong umaray.

"Wag ka nang mag-alala. Kaibigan mo LANG naman si Jungkook diba? At kaibigan ko na rin naman si Jimin kaya quits na tayo." sabi ni Denise na natatawa.

Tumawa naman ang mga kaibigan niya.

"Kumain na tayo! Nakakagutom yung drama nyo!" natatawang sabi nina Jessel at Mericris na kumuha ng mga plato, baso, kutsara't tinidor at nilatag iyon sa mesa. Pagkatapos nun ay yung mga pagkain naman yung nilatag nila sa mesa.

Natawa naman sila sa dalawa at tinulungan ang mga ito.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon