Chapter 35: Skipped Lunch

13 2 1
                                    

GIRLS' SIDE

Isang buwan at kalahati na ang nakalipas simula nung date nila. Naging mas malapit sila sa isa't isa. They're like the other couples na may awayan rin pero nagbabati rin naman agad.

They now know each other's flaws but still accepted it. Their love and friendship are growing stronger as the days passed. They can't get enough of each other. They're inseparable.

"Tumulong ka nga dito, Leah." sigaw ni Denise na nasa kusina at nagluluto kasama sina Alchi at Jessel.

"Tatlo na kayo dyan ah! Magsiksikan tayo dyan kung tutulong pa ako!" pasigaw na sagot ni Leah na nasa sala at mag-isang nanunuod ng telebisyon. Sina Mericris, Kathleen at Mary kasi ay nasa office nila sa hotel dahil marami silang papeles na inasikaso.

"Ikaw ang maghanda sa mga iba-barbeque natin mamayang gabi. Tanghali na. Magma-marinate ka pa." pasigaw ring sabi ni Alchi na nanghuhugas na ngayon ng mga pinggan.

Labag sa loob na pinatay ni Leah ang TV at tumayo. Pumunta sya sa kusina at nakitang busy na busy ang tatlo sa paghahanda ng pananghalian. Agad nyang sinimulan ang gawain nya.

"Should I call the boys to prepare the grill?" napatingin si Jessel sa dalawa nyang kaibigan at hinihintay ang sagot ng mga ito.

Nilingon naman ng dalawa si Jessel. Nagkibit-balikat lang si Alchi at bumalik sa gawain nya.

Tumingin naman si Jessel kay Leah at umaasang may makuhang matinong sagot dito. Pero na disappoint sya nung nagkibit-balikat din ito at bumalik sa gawain nito.

Napairap na lang sya ng mga mata nya at napabuntong-hininga.

"Dyusko! Bakit ba may mga abnormal akong kaibigan?" mahinang sambit ni Jessel sa sarili.

"Kasi abnormal ka rin." natatawang sagot ni Alchi sakanya. Sumabay rin sa tawa si Leah.

Nakita nilang tinaliman sila ng tingin ni Jessel kaya agad silang tumigil sa kakatawa. Sino ba kasing may sabing si Yoongi lang ang natatakot dito?

Tumikhim si Leah para mawala ang natitirang tawa na pinigilan nya at sumagot kay Jessel. "Mamaya na lang hapon, Sel."

Tumango si Jessel at bumalik sa ginawa nya kanina.

Nagkatinginan naman sina Alchi at Leah at patagong tumawa sa likuran ni Jessel. Sabay nilang tinuro ang likod ni Jessel at bumulong. "Pikon." at mahinang tumawa.

----------

"Hayy.. Tapos na ko dito, girls. Kumusta na kayo dyan?" pagod na sambit ni Kathleen habang nagstretching sa upuan nya.

Pagod na tinignan nina Mericris at Mary si Kathleen at nilingo ang mga ulo.

Nanlaki ang mga matang napatingin si Mericris sa relo nya. "Sht! 4:55 pm na. Naihanda na kaya ng iba ang pang-barbeque natin?" sambit nya.

"Hapon na pala. Ang bilis talaga ng takbo ng oras." napalingo sa ulong sambit ni Mary.

Nanlaki ang mga mata ni Kathleen nung may narealize sya. "We're dead."

Nagtatakang tinignan ng dalawa si Kathleen.
"Anong nangyari sayo?" sabi ni Mericris.

"We just skipped our lunch." sagot ni Kathleen na para bang ikamatay na nya ang hindi pagkain ng lunch.

Tinaasan naman sya ng isang kilay ni Mary. "So?" sabi nito.

"Naalala nyo yung last time na na-skip rin natin ang lunch natin kasi nalunod tayo sa trabaho tulad ngayon?" sagot ni Kathleen na ngayon ay parang hindi na alam ang gagawin.

Nanlaki naman agad ang mga mata ng dalawa nung may naalala sila sa oras na yun. Namutla sila dahil sa nangyari sakanila dahil dun.

"You're right. We're dead." parang nawala ang mga kaluluwang sambit ng dalawa.

"We need to call the others." sabi ni Kathleen na nagpapanic na. Kinuha nya agad ang cellphone nya at tinawagan si Jessel.

*riingg* *riiingg*

"Hello."

Nagulat si Kathleen nung si Yoongi ang sumagot sa phone ni Jessel.

"Uhm..Is everybody there right now?" pilit na pinakalma ni Kathleen ang boses nya.

"Yes." maikling sagot ni Yoongi sa kabilang phone.

"Is that Kathleen?"

Kinabahan naman si Kathleen nung narinig ang boses ng nobyo nya kaya agad nyang pinatay ang linya.

Tinignan nya ang mga kaibigan nya na kinakabahan rin tulad nya.

"We are SO dead."

"Pano na to?" hindi mapakaling sabi ni Mericris sa sarili. Ngayon lang to nagkaganito. She usually keeps her cool.

"Sabihin na lang kaya nating kumain na tayo dito sa hotel?" suggest ni Mary.

Napatingin naman ang dalawa sakanya.

"We're going to lie?" hindi makapaniwalang sambit ni Kathleen. Hindi nya gustong magsinungaling dahil paniguradong magagalit si V sakanya.

"It's useless. Last time nagsinungaling tayo na kumain na tayo nun pero gumana ba ang palusot natin? Hindi. Kasi kilalang kilala na tayo ng mga nun." sabi ni Mericris.

"Let's just face their wrath then." sagot ni Mary na napabuntong-hininga.

-------------

"Jungkook! That's my food!" inis na sigaw ni Denise habang hinahabol ang tumatakbong nobyo.

Tinawanan na lang nila ang sitwasyon ni Denise.

"Where is my girlfriend?" agad na sambit ni Jin nung napansin nitong wala si Mericris habang palapit ito sakanila.

"They're not here yet?" sambit rin ni V na kasunod lang ni Jin.

"That woman will be the death of me." napabuntong-hiningang sabi ni Hoseok sa sarili.

"They didn't call you?" tanong ni Jessel sa tatlong lalaking namomroblema na dahil sa mga nobya.

"Kathleen called Jessel's phone a while ago but ended the call after she heard V's voice." sabi ni Yoongi at napatingin naman ang mga kasama nito sakanya.

"She's afraid of Taehyung." sabi ni Leah at mahinang tumawa.

Napatingin naman lahat kay Taehyung.

"Why would she be afraid? I never bite." depensa naman ni V.

"Yeah. You never bite but you bark." sabi ni Alchi na ikinatawa ng bestfriend nyang si Jungkook. Nag-high five naman ang dalawa.

"Hi guys."

Napatingin naman silang lahat sa mga bagong dating na sina Mericris, Kathleen at Mary.

"Uh-oh." mahinang sambit ni Denise nung napansin nya ang namumuong tensyon ng tatlong magkasintahan.

Agad nilapitan ng tatlong lalaki ang mga nobya at marahang hinila ang mga ito sa mesa. Binigyan agad ang mga ito ng mga platong puno ng pagkain.

Nakatingin lang ang iba sa tatlong magkasintahan. Tahimik lang ang mga ito habang kumakain ang tatlong babae.

"Let's talk after you eat. You better have a good reason in your mind right now, Kathleen." rinig at ramdam ni Kathleen ang malamig na boses ng nobyo malapit sa tenga nya. Napalunok naman sya ng laway. Talagang galit ang nobyo nya sakanya dahil tinawag na sya nito sa pangalan nya at hindi na 'Bae'

"Save your energy, babe. We'll have a SERIOUS talk later." rinig rin ni Mary ang bulong ng nobyo nya sakanya. Napalunok sya ng laway nang maalala ang nangyari nong last time na nag-skip din sila ng lunch. Muntik ng masira ang eardrums nya sa malakas na boses ng nobyo habang pinapagalitan sya nun.

"You really made me angry this time, Mericris. I won't tolerate this irresponsible behaviour of yours. Eat all of these. We'll talk later." napalunok naman si Mericris ng laway dahil alam nya ang sasapitin nya mamaya. Sa kanilang tatlo nina V, Jin at Hoseok, si Jin ang may babaeng bunganga kapag pinapagalitan ka. Parang gusto na nya yatang mag-sign of the cross dahil sa kaba.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon