CHAPTER 6.2: Recognized

24 1 0
                                    


BOYS' SIDE

"Excuse me,sirs. A-ah, please act like I'm not here. Just keep doing what you are doing right now."

Halos sabay silang napatingin sa babaeng nagsalita. Pero tinakpan pa rin nila ang mga mukha nila sa magazine. Yung mga mata lang nila ang hindi tinakpan.

Nagtataka sila kung bakit nakapikit ang babae na nasa harap nila at kung bakit nandito ito sa harapan nila. Pero curious sila kung ano ang gagawin nito.

"(Korean) She's familiar. I think I saw her somewhere?" mahinang sabi ni Jimin sakanila para hindi marinig ng babaeng nasa harap nila.

"(Korean) Yeah, she is. Do you think we know her?" mahina ring sabi ni Jungkook.

"1, 2, 3"

Napunta naman ang atensyon nila sa babaeng nasa harap nung nagsalita muli ito.

Nagsimula na itong kumanta at sumayaw.

Nagulat sila na ang kinanta nito ay 'BOY IN LUV' na kanta nila pero ang mas nakakagulat para sakanila ay sumayaw ito ng chacha.

Halos sabay silang napatingin sa isa't isa.

Tumingin uli sila sa harap at halos humahalakhak sila sa tawa nung makita ang ginawa ng babae.
Nagpatuloy parin ito sa pagsayaw. Baka may plano itong ipatuloy ang kanta hanggang sa katapusan.

Pinigilan nila ang tawa nila dahil ayaw nila itong i offend.

"(Korean) Oh my god! She's funny!" sabi ni Jin na pinipigilan parin ang tawa.

"(Korean) Is that a kind of ballroom dance?" pabulong na tanong ni J-Hope na tinutukoy ang sayaw ng babae.

Tumango naman sila kay Hoseok at hindi parin nila inalis ang tingin sa babaeng parang baliw na sumasayaw.

"(Korean) Did she just made 'BOY IN LUV' a ballroom dance?" hindi makapaniwalang sabi ni Namjoon. Pero natatawa parin.

"WHOAH! GO ALCHI! FIGHTING!"

Agad silang napatingin sa gumawa ng ingay na nasa likuran ng babae.

Malayo-layo ang mga ito sa babaeng nasa harap nila.Pero klarong-klaro sa mga mata nila ang mga babaeng iyon.

Nanlaki ang mga mata nila nang marealize na ang babaeng sumayaw sa harap nila ay si Alchi, ang isa sa mga fans nila at isa sa pitong babae na pinasakay nila sa van kagabi.

At ang anim na babaeng tumatawa ng malakas sa likuran ni Alchi ay ang mga kaibigan nito na sina Kathleen, Mary, Mericris,Denise, Leah,at Jessel.

Rinig nila ang malakas na tawa ng mga ito.

"(Korean) God! Thank you so much." bulong ni Suga sa sarili at siniguradong hindi marinig iyon ng mga kasama nya.
Masaya kasi sya nung nakita ulit si Jessel. Akala niya-nila na hindi na ulit makikita ang mga babae.

Napatingin uli sila kay Alchi at dun napagtanto at nalaman nila na napilitan lang ito kaya nakapikit ito ngayon habang sumasayaw.

"PETMALU TALAGA TO SI LODI!" rinig nilang sigaw ni Leah sa likuran ni Alchi.

Tumawa na naman ang mga ito na para bang walang pakialam sa mga taong nakatingin sakanila.

Napangiti naman sila sa ka-weirdohan ng mga babae.
Mga simpleng babae lang ang mga ito.
Hindi sila nahiyang ipakita sa iba ang tunay na SILA.
.
.

Nakita naman nila na binuksan ni Alchi ang mga mata nito nung natapos na ito.

Nagtaka naman sila dahil biglang nanlaki ang mga mata nito.

"(Korean) Did she recognized us?" kinakabahang sabi ni V sakanila.

Nagulat sila nang bigla itong sumigaw at saka tumakbo papalayo sa kanila.

"(Korean) What happened to her?" sabi naman ni J-Hope.

Nakita nilang nilagpasan lang nito ang mga kaibigang tumatawa.

Nagulat ang mga kaibigan nito kung bakit ito nagmamadaling tumakbo, kaya sinundan na lang ng mga ito si Alchi.

Napatingin naman sila sa papalayong mga pigura ng mga dalaga.

"(Korean) Do you think she recognized us, hyung?" tanong ni Jungkook kay Namjoon.

Sasagot na sana si Namjoon nang biglang tumayo si V.

Nahulog ang cap niya pero parang wala lang sakanya yun na makikilala sya ng mga tao.

"(Korean) I won't waste my chance right now." sabi niya sa sarili more than sakanila.
Kinuha niya ang cap niyang nahulog na parang ngayon nya lang nalamang nahulog pala.

"(Korean) W-what? W-wait! V NO!"

Hindi na nila napigilan si V na tumakbo at tinahak ang daan kung saan dumaan ang mga dalaga.

Wala rin silang ibang choice kundi ang sumunod kay V.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon