GIRLS' SIDE"Guys! Nananaginip lang ba ako kanina?" sabi ni Denise na para bang hindi pa nasink-in ang pagkatagpo nila ulit sa BTS.
"Oo, nanaginip ka lang. Nanaginip ka lang nung muntik mo nang masira ang magandang mukha ni Hobi!" sagot ni Mary sakanya na inirapan sya ng mga mata nito.
"Aba! Malay ba namin na ang BTS pala yun! Hindi nga rin kayo makapaniwala eh!" ganti namang sagot ni Denise kay Mary.
"Wag nga kayong mag-away dyan!" saway naman ni Kathleen sakanilang dalawa.
"Pasalamat ka Mary at hindi sya ang natutukan ko ng kutsilyo, baka napatay ko yun kanina." natatawang sabi naman ni Alchi kay Mary.
Nakatingin naman sila kay Alchi na dala-dala ang kutsilyo sa kamay nito.
"Hindi nga si J-Hope pero si Jin naman yung natutukan mo ng sandata mo. Wengya! Muntik mo nang tinanggal ang titolo niyang worldwide handsome." sabi ni Mericris kay Alchi.
"Excuse me po. Kanino po itong ideya na magdala ng sandata?" sabi ni Alchi na nakasmirk at may pinariringgan---si Mericris.
Umirap naman si Mericris sakanya at tinawanan lang niya ito.
Napa-smile naman si Leah nang biglang maalala ang nangyari kanina.
"Nakakagulat na nakakatakot na nakakatawa yung kanina no? Hindi ko alam sa oras na yun kung ano dapat ang mararamdaman ko." natatawang sabi ni Leah.
Napangiti rin naman sila sa sinabi ni Leah. Naalala nila kanina na takot na takot sila nung nasa pintuan na sila at hinahanap ang tamang susi dun. Narinig pa nila na may something na natumba dun kaya mas lalo silang kinabahan. Kahit na sila Jessel, Mericris at Mary ay kinabahan na rin.
Natawa naman bigla si Jessel nang may naalala sya kanina.
"Napasabi pa nga si Alchi nun na, 'Kapag nabuksan na natin tung pinto nato, hindi ako magdadalawang isip na patayin ang sinumang nasa loob.' kahit na nanginginig na sya sa takot." natatawang sabi ni Jessel.
Napahalakhak naman sila ng tawa sa alaalang yun.
"Narinig ko pa nga ang mga panalangin ni Kathleen sa tabi ko kanina. Tatlong Our Father, Hail Mary at Glory Be." sabi naman ni Mericris habang tumatawa parin.
Mas lalo pa silang napahalakhak sa tawa. At may pa head bang pang nalalaman.
"Narinig ko rin yun dahil sina Denise at Leah naman ang sa response! Para silang mga exorcist!" napapaluha na si Mary sa tawa habang sinasabi yun.
Mas lalo lang lumakas ang tawanan ng mga ito sa sinabi nyang yun. Napapapunas pa nga sila ng luha sa oras na yun.
"Hahaha..! Tama na 'to. Ang sakit na ng tyan ko. Maghanda na tayo. May dinner pa tayong dadaluhan mamaya." sabi ni Kathleen nung humupa na ang tawanan nila.
Inimbita kasi sila ng BTS kanina na magdinner dun sa beach house na tinutuluyan ng mga ito.
Nakangiting tumango naman sila kay Kathleen.
Agad naman silang tumungo sa hagdan.
Napatigil si Alchi nang may naalala sya.
"Mericris, yung chocolates ko pala, kailangang may natanggap na ako bukas na bukas din." sabi ni Alchi kay Mericris at nag smirk.
Natawa naman si Mericris dahil akala niya makakalimutan ni Alchi ang tungkol dito pero nagkakamali sya. Tumango na lang sya dito.
Tumungo na nga sila sa kanya-kanyang kwarto nila para maghanda.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...