CHAPTER 11: Realization

9 1 0
                                    

GIRLS' SIDE

"WHAT?!"

Napatalon naman ang babaeng staff nang biglang sumigaw ang mga babaeng may-ari ng hotel and resort nato pagkatapos niyang sagutin ang tanong nila kung nasan ang bandang kumanta kanina.

"May isang lalaki kasing lumapit sakanila at may sinabi sa mga ito. Nagtaka nga kami kung bakit dali-dali silang umalis." sagot na naman ng babaeng staff sakanila.

Para namang nanlumo ang mga babae sa narinig. Ganun na lang ba yun? Aalis sila ng wala man lang paalam? At bakit ba sila naaapektuhan? Sino ba sila sa mga ito?..

And that thought saddened them more. Na-realize nilang hindi pala sila kaano-ano ng mga lalaki.

"Ah ganun ba? Sige salamat. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo." sabi ni Kathleen sa staff nila.

Nung nakaalis na ito, nagkatinginan ang magkakaibigan sa isa't isa na pareho lang ang emosyon sa mukha--lungkot at pagkadismaya.

------------

"Let's go home, girls." sambit bigla ni Alchi sa gitna ng kanilang katahimikan.

Hindi sila nagsalita.Tumango na lang sila at sumunod na lang kay Alchi na umuna ng maglakad patungo sa beach house nila.

"Di na ba natin sila makikita?" tanong ni Mary sa mga kaibigan niya na para bang batang iniwanan ng ina.

"Let destiny decides about that." sagot ni Denise sakanya.

"There's a 0.00001% that we will see them again." sagot rin ni Jessel kay Mary.

"Ang sabihin mo, IMPOSIBLEng makita natin ulit ang BTS!Dinaan mo pa sa ganyan." sumbat naman ni Leah kay Jessel.

Ang kaninang lungkot at dismaya nila ay napalitan ng ngiti at tawa bigla.

"Nu ba! Be positive!" pabirong sabi ni Jessel kay Leah.

Inirapan lang siya ni Leah. Tumawa lang sila.

"Ewan ko sa barkadang ito ha. Kanina lang nakasimangot tayo, at ngayon naman, nakangiti na tayo. Para kayong baliw." sabi bigla ni Mericris sakanila na nakangiti.

"Hoy! Anong 'kayo'? Kasali ka sa'min! Baka nakakalimutan mo? Isa ka rin sa amin.Wag mo namang ikahiya ang pagkatao mo." natatawang sabi ni Kathleen kay Mericris.

Tumawa naman sila sa sinabi ni Kathleen.

"Nandito na tayo. Magsitahimik na kayo dyan."

Napatingin naman sila kay Alchi. Ngayon lang nila napansin na hindi pala ito sumali sa tawanan nila kanina.

Tahimik lang ito kanina pa.
Parang may bumabagabag sa isipan nito.

"Okay ka lang, chi?" nag-aalalang tanong ni Mary dito.

Ngumiti lang si Alchi dito at tumango. Pero alam nilang nagsisinungaling ito dahil pilit ang ngiti nito.

Napatingin naman sila sa isa't isa nang umunang pumasok si Alchi sa bahay ng walang lingon-lingon.

Naaapektuhan ba ito sa pag alis bigla ng BTS?

Nakakunot ang mga noo nila habang tinitignan ang papalayong pigura ni Alchi.

"Ano kayang problema nun?"

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon