CHAPTER 33.1: I Like You Too

13 3 0
                                    

A/N: Salamat sa mga friends ko na sumuporta nito especially kina MaryiaLee at iamkathleenmarie ! Labyuu mga bes! At sa mga readers ko rin! Salamat! Labyuu! Mwah!

BTW guys, bibigyan ko po ng mga POV's ang mga girls sa chapter nato. Sinabi ko lang po ito para malaman nyo. Hehe.
-----------------------

GIRLS' SIDE

Napatanga naman silang lahat sa confession ng mga lalaki.

Hindi sila makapagsalita.

Hindi nila inakalang iba pala ang ibig sabihin ng mga lalaki sa 'We like you' ng mga ito. Akala kasi nila na gusto sila ng mga lalaki bilang isang tao. Akala nila na gusto sila ng mga ito dahil sa pagiging matulungin nila sa kapwa (wew!).

Hindi nila alam kung anong dapat isagot sa mga ito. Walang ma-form na salita sa utak nila. Para bang naging blanko.

Kahit na si Kathleen na palaging may laman ang utak ay hindi rin makapagsalita.

Tinitigan lang nila ang mga lalaki at tinitigan rin sila ng mga ito na para bang naghihintay sa mga sagot nila.

Napatingin naman sila kay Jungkook nung biglang tumayo ito mula sa tabi ni Alchi at pumunta kay Denise.

Nanlaki naman ang mga mata ni Denise nung nilahad nito ang kamay nito.

"Can we talk? Alone?"

Napakurap-kurap naman si Denise sa kanyang mga mata. Totoo ba to? Nagtaka naman sya. Diba si Alchi ang gusto nito? Bakit kaya sya ang nilapitan nito?

Napatingin naman sya sa kinaroroonan ni Alchi at Jimin, pero nawala na ang dalawa. Pati ang ibang mga kaibigan nya ay nawala na rin. Sina Namjoon at Leah na lang ang nandito. Sila yung nagligpit ng mga pinagkainan nila sa mesa.

Napatingin uli sya kay Jungkook. Sasagot na sana sya pero biglang hinawakan nito ang kamay nya at hinatak sya palabas.

-----------------

LEAH'S Point Of View

"Done!" sabay na sambit naming dalawa nung natapos kaming magligpit ng pinagkainan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Done!" sabay na sambit naming dalawa nung natapos kaming magligpit ng pinagkainan namin.

Umupo sya sa armrest ng couch dito sa living room at nakatayo naman ako sa harap nya.

Nagkatinginan kami ni Namjoon. Ngumiti sya sakin kaya nakita ko ang nakakainlab nyang dimples. Sheyt! Ang gwapo talaga nito!

Niyuko ko na lang ang ulo ko dahil hindi na umiwas sa pagtitig sakin si Namjoon. Putek namang lalaking 'to eh! Nahihiya tuloy ako.

Nararamdaman ko namang namula ang mga pisngi ko nang maramdaman kong hinawakan nya ang pisngi ko.

Bakit ba kasi na misinterpret namin yung 'we like you' nila? Yan tuloy! Hindi ko na alam kung pano sya pakikitunguhan ngayon.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon