LEAH'S SIDE"Yang, pwede bang ikaw na lang yung kumuha sa financial report ngayong buwan? Kunin mo yun sa head ng finance department. Tinawagan ko sya kanina na hintayin niya ako dun sa hotel but an emergency came up kaya hindi ako makakapunta dun ngayon." sabi ni Kathleen kay Leah habang may tinatype sa laptop niya. Mukhang busy talaga ito.
Napatingin naman si Leah sa kanya.
"Dun sa hotel natin? Baka makita ako ng isang chismosang customer 'pag nagkataon." sagot nya.
Nakita niyang binigyan lang sya ng poker face ni Kathleen.
"Ano ka ba? Para ka namang hindi nasanay. Nalimutan mo yata na mag-disguise tayo. At saka ikaw lang naman kasi yung free sa'ting lahat dito, kaya ikaw na lang ang kumuha dun." sagot ni Kathleen sakanya bago nito binalik ang tingin sa ginagawa.
Tinignan nya ang mga kaibigan niya.
Lahat nga sila ay may ginagawa. Nagluluto sina Alchi at Mary ng panghapunan nila dun sa kusina, naglilinis sa sahig si Denise, may tinatawagan si Jessel sa telepono na isang investor sa business nila, at nagdidilig naman ng mga halaman si Mericris sa mga flowerpots dun sa labas ng beach house nila.
Napabuntong-hininga naman si Leah dahil wala syang ibang magawa kundi ang sundin ang sinabi ng pinakabata sa kanila.
"O sige." sambit niya. Umakyat sya sa grand staircase nila at pumunta sa kwarto niya para kumuha ng para pang-disguise.
Bumaba na sya ng hagdan pagkatapos.
"Be careful yang." rinig niyang sabi ni Denise sakanya nung nakalabas na sya.
Nagsimula ng maglakad si Leah sa daan patungo sa hotel nila. Madadaanan niya ang beach house ng mga lalaki since kapitbahay lang naman sila.
"Leah!"
Napatingin naman sya sa pinaggalingan ng boses na yun.
Napangiti agad sya nung napagtanto kung sino yun.
"Joon!" sambit niya at nakangiting nag-wave kay Namjoon na nakatingin sa kanya sa bintana.
Nakita naman nyang lumabas si Namjoon at lumapit sakanya.
"Where are you going?"
"I'll go to our hotel." sagot niya.
"What will you do there?"
"To get some stuffs. Wanna come with me?"
Napakamot naman si Namjoon sa batok niya. At malungkot na tinignan si Leah.
"I'm sorry I can't. You know we're still a hot topic to the social media." sagot ni Namjoon na binigyan sya ng apologetic look.
Nginitian niya lang ito. Ang cute kasi ni Namjoon pag ganito at nahihiya.
"It's okay. You don't need to be sorry." sabi niya at tinapik ang pisngi nitong may dimple. Napangiti naman sya nung nakita niyang namula si Namjoon.
Tumalikod na sya at aalis na sana nang may kamay na biglang nagpigil sa kanya sa pag-alis.
Napatingin naman sya kay Namjoon at ngumiti nang nakita niya itong napakamot na naman ng ulo.
"I changed my mind. I'll come with you." sabi nito na parang nahihiya.
Napangiti naman sya ng malapad. Ngayon nya lang nakita na parang batang nahihiya si Namjoon.
"Are you sure? You don't have to, you know." sabi niya dito. Baka kasi nakonsensya ito sa pagreject nito sakanya kaya sumama.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfic"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...