GIRLS' SIDE"Ang aga mo namang nagising, Chi!" natatawang sabi ni Mary habang pababa ng hagdan kasama ang mga kaibigan. Nakita nila si Alchi sa sala na nanonood ng TV.
Napatingin naman si Alchi sakanila na nakangiti.
"Hindi kasi ako makabalik sa tulog. By the way, naihanda ko na ang agahan natin. Kumain na tayo." sabi ni Alchi saka tumayo sa kinauupuan at umunang pumunta sa kusina.
"Thank you, Chi. Labyuu" sabi nina Jessel at Leah kay Alchi. Sila kasi yung naassign na magluto ngayon.
Sumunod naman sila kay Alchi sa kusina at tinulungan ito sa paghanda ng mga pinggan, baso,kutsara at tinidor.
"Ay nga pala! Dito kumain si Jungkook kanina." sabi ni Alchi nung nagsimula na silang kumain.
Nabilaukan naman silang lahat sa sinabi nito at napatingin agad dito.
"Ano?!" sabay nilang sigaw.
"Tama ba yung narinig ko? JUNGKOOK?! DITO KUMAIN?! BAKIT DITO SYA KUMAIN?!PAKI EXPLAIN!" malakas na sambit ni Denise kay Alchi. Tinignan niya ito na nagtataka.
"Yep! Dito sya kumain kanina. Inimbita ko syang mag agahan dito. Kasi ganito yun..." At inexplain ni Alchi ang nangyari.
Napabagsak naman ang mga balikat ni Denise sa narinig.
"Wala na.. Wala na akong pag asa sakanya." sabi niya na parang iiyak na.
Sinapak lang sya ni Alchi na katabi lang niya.
"Ano bang sinasabi mong babae ka? Friends kami. FRIENDS! At saka hindi ako interesado sakanya no! Alam mo naman kung sino talaga yung akin! Pinamukha mo pa sakin na traydor ako." depensa ni Alchi sa sarili niya at parang nagtatampo pa kay Denise.
"Sorry na. Nagseselos lang ako sa iyo. Naunahan mo kasi ako. Pero alam ko namang hindi talaga sya yung natipuhan mo." nakangiting sabi ni Denise sakanya.
Alchi just smiled at Denise and hugged her sideways.
Nagpatuloy naman ang dalawa sa pagkain.
"Kung inimbita mo si Jungkook na kumain dito kanina, ibig sabihin, kumain ka na rin?" tanong ni Kathleen kay Alchi.
Napatingin naman sila kay Alchi at hinihintay ang sagot nito.
Sumubo muna ng pagkain si Alchi bago sya tumango.
"Eh bakit ka pa kumain ngayon? Tapos ka naman palang kumain." sambit ni Mericris.
"Nagutom ako. Kunti lang kasi yung kinain ko kanina. Inubos lahat ni Jungkook yung hinanda kong pagkain. Kaya nagluto ulit ako para sainyo--este! para sa tin pala." sagot ni Alchi.
"Aahh okayy" Tumango sila at nagpatuloy sa pagkain.
----------------
BOYS' SIDE
"(Korean) Hey, Jungkook! Let's eat!" tawag ni Jin kay Jungkook sa hapagkainan.
"(Korean) I'm already full, hyung. Thanks." sabi ni Jungkook na hindi man lang tinignan si Jin at nakafocus lang sa nilalaro sa phone niya.
Nagtatakang napatingin naman sila sa pinakabata sa kanila.
"(Korean) Where did you eat?" nagtatakang tanong ni Namjoon kay Jungkook.
Tinignan ni Jungkook ang mga hyungs niya na nakangiti.
Tumaas naman yung isang kilay ni Yoongi nang makita ang smile na may something nito.
"(Korean) Alchi and I ate together at their beach house. She invited me." sagot ni Jungkook na tinignan si Jimin sa magiging reaksyon nito.
Hindi naman nadisappoint si Jungkook nang makitang muntik nang mabilaukan si Jimin sa kinakain nito.
"(Korean) WHAT?!" halos sabay na napasigaw ang mga hyungs niya sa gulat.
Ngumiti lang sya ng nakakaasar kay Jimin. Para namang may usok na lumabas sa ilong nito.
"(Korean) How come?" tanong ni J-Hope sakanya.
Inexplain naman ni Jungkook yung nangyari nung hindi sya makabalik sa pagtulog.
"NO!"
Napatingin naman silang lahat kay Jimin na parang naasar na ni Jungkook.
"(Korean) Why is your reaction like that, Jimin-shi? Are you jealous? I thought she's not your type." sabi ni Jungkook dito na naka smirk.
Pinipikon nya talaga si Jimin at enjoy na enjoy naman sya sa ginagawa niya.
"(Korean) No and yes. I'm not jealous and she's not my type." sagot ni Jimin na iniwas na ang tingin niya kay Jungkook.
"(Koreaan) Okay. If you say so.." sabi ni Jungkook at nag smirk.
"(Korean) Denial." kalmang sambit bigla ni V. Naenjoy niya ang pang aasar ni Jungkook kay Jimin.
Napalingo naman ang apat ng kanilang ulo dahil sa tatlo at nagpatuloy na lang sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...