GIRLS' SIDE
"Parang may nakatira na sa katabi nitong beach house natin. Napansin niyo?" sabi ni Mericris nang napatingin sya sa bintana nila. Makikita kasi dito ang katabi na beach house.
Para namang natakot sina Kathleen, Alchi, Denise at Leah nung marinig ang sinabi ni Mericris.
"Bakit mo nasabi yan?" tanong ng apat na matatakutin.
At parang by instinct lang ay lumapit sila sa isa't isa.
"Narinig ko kasing may nahulog dun sa loob nun. Kaya napatingin agad ako." sagot ni Mericris na parang curious na curious. Habang takot na takot naman ang apat.
"Min! Wag ka namang magbiro ng ganyan!" takot na sabi ni Alchi kay Mericris.
Natatawa naman sina Jessel at Mary sa apat nilang kaibigan na takot na takot na ngayon.
"Ano kaya kung papasok tayo dun at tignan kung ano ang dahilan ng pagkahulog ng bagay dun?" sabi ni Mary na naka smirk na ngayon habang tinitignan ang apat.
Tumawa naman sina Mericris, Jessel at pati na si Mary nang nakita nilang nanlaki ang mga mata ng apat nilang kaibigan sa takot.
"Kayo lang naman ang may gustong pumasok dun diba? Edi kayo na lang ang papasok!" inis na sabi ni Denise sa tatlo niyang kaibigan na tinawanan sila.
"Ano ba kayo! Meron pang araw o. Hindi dapat kayo matakot." chill lang na sabi ni Jessel sakanila.
Napatingin naman ang apat sa bintana nila na makikita ang beach.
"Pero malapit nang lulubog yan!" sabi ni Leah na tinuro pa ang araw na malapit ng lumubog.
"Kaya nga! Habang may araw pa, pumunta tayo dun at pumasok." sabi pa ni Jessel.
Mabilis na napalingo ng kanilang ulo ang apat.
"Ganito na lang, kumuha kayo ng mga gusto nyong maging sandata dun sa kusina kung sakali man." sabi ni Mericris na parang natatawa pa sa sinabi niya. Yun lang kasi ang naisip niya para sumama ang apat.
"Kung kayo na lang kaya ang pumasok dun." inis na sabi ni Kathleen nina Mericris, Jessel at Mary.
"Boring 'pag wala kayong apat eh." natatawang sabi ni Mary sa apat.
"Wag nyo nga kaming i-damay sa kalokohan nyo!" naiinis nang sabi ni Alchi sa tatlo.
"Sige na Alchi! Sumama kana. Promise bibilhan kita ng maraming chocolates pag sumama ka." sabi ni Mericris kay Alchi na naka smirk. Alam niyang hindi makakahindi ito pagdating sa chocolates niya.
"Marami akong pera." sagot ni Alchi sakanya at iniwas ang tingin.
Mas lalo namang lumawak ang ngiting nakakaasar ni Mericris.
"Alam ko. At alam ko rin kung gaano ka katamad pumunta ng malls at groceries para bumili ng chocolates mo." sabi pa niya dito.
Hindi naman nakasagot si Alchi dun.
Napatingin sya kay Mericris na parang talo sya nito.
"O sige na nga." sagot ni Alchi.
Lumawak ang mga ngiti ng tatlo sa sagot nito.
"Kung sasama ka,Chi, sama na rin ako." sabi ni Leah.
"Sama na lang ako." sabi ni Denise.
"Sama rin ako. Ayokong maiwan dito. Mas nakakatakot yun." sabi rin ni Kathleen.
Nag-high five naman ang tatlo nang sa wakas ay napapayag na nila ang apat.
------------
Tumawa naman sina Jessel, Mericris at Mary sa mga dala ng mga kaibigan nila.
May dalang walis sina Leah at Denise. Kawali naman ang kay Kathleen at kutsilyo naman ang kay Alchi.
"Wag nga kayong tumawa dyan!" inis na sabi ng apat kina Mericris, Jessel at Mary.
"Tara lets!"
BINABASA MO ANG
Fake Love
Fanfiction"Guys? K-kanino tong humintong van?" Nabigla ang mga pitong dalaga na magbabarkada dahil may humintong van sa harapan nila. Nakaramdam sila ng kaunting takot. Nataranta sila at hindi makaisip ng mabuti. "Baka mga kidnapper! Putek! Tumakbo na tayo...