CHAPTER 8: Is This For Real?

23 1 0
                                    


GIRLS' SIDE

*ding dong*

"Alchi! Buksan mo yung pinto!" sigaw ni Kathleen habang may inaano sa laptop niya. Kasama nito si Mericris sa paghahanap ng banda na magpeperform ngayong gabi.

"Ayoko nga! Si Denise na lang!" sagot naman ni Alchi habang nanonood ng TV kasama si Mary.

"Hoy! Ikaw yung walang ginagawa jan! Kita mong kumakain ako dito! P*ta!" sabi ni Denise na nasa dining table kumakain ng isang gallon ng ice cream.

*ding dong*

"Ang tamad nyo naman! Hindi na nga kayo tumulong sa'min dito, may gana pa kayong mag away jan! Letse!" inis na sabi ni Leah sa dalawang nagtatalo. May hawak sya ngayong phone na ginamit niya sa pagtawag ng mga maaaring mahingan nila ng tulong. Kasama nito si Jessel.

*ding dong*

"Sige na, Chi. Buksan mo na lang." mahinahong sabi ni Mary kay Alchi sa tabi niya.

Tinitigan sya ng mga kaibigan niya na parang nag expect ang mga ito na susundin ang utos.

"May galit ba ang mga ito sakin?" bulong niya sa sarili.

Walang ibang magawa si Alchi kundi ang tumayo na lang at pagbuksan ang nag doorbell.

Hindi na niya tinignan sa peephole kung sino ang nagdoorbell at pinihit ang doorknob.

Laking gulat niya nung makita ang tao, or should I say, mga taong nasa labas na pinagbuksan niya ng pinto.

O_O

"Shit! Is this for real?" napasambit si Alchi sa sarili niya.

"Hi?"

Hindi nagsalita si Alchi at patuloy paring nakatitig sa mga ito. Hindi sya makapaniwalang nandito talaga ang mga ito.

Agad syang pinamulahan sa hiya.

Imbis na maging masaya sya sa nakita, nawala lahat yun dahil naalala niya ang kahihiyan na ginawa niya kanina.

Gusto niyang isara ang pinto dahil ayaw niyang makita ang mga mukha ng mga ito.

Pero hindi natuloy ang gusto niya nung magsalita si Jimin sakanya.

"Hi Miss"

Napunta agad ang tingin niya kay Jimin. Nakangiti ito sakanya. Mas lalo syang namula dahil nakita nito ang kahihiyan na ginawa niya kanina.

Hindi parin sya makapagsalita at nakatitig parin sakanila.

Hindi napansin ni Alchi na nasa tabi na niya pala si Kathleen.

"Alchi! Bakit----"

Hindi niya itinuloy ang pagsasalita nung makita ang mga taong nasa labas ng beach house nila at nakatayo ngayon sa doorstep nila.

"Hi!" masiglang bati ni V kay Kathleen.

Agad namang napunta ni Kathleen ang tingin niya kay Taehyung. Nanlaki ang mga mata niya at pinamulahan sya ng mukha.

Hindi rin makapagsalita si Kathleen dahil sa gulat.

Hindi nila namalayang pinuntahan sila ni Leah sa kinaroroonan nila.

"Kathleen! Alchi! Nandyan pa ba kayo? Ano bang nangyari sa----"

Napatingin si Leah sa mga taong nasa labas ng beach house nila saka binalik ang tingin sa mga kaibigan niya.

"Ang BTS lang pala,bakit ba---wait, BTS? .....BTS!!!!" biglang sigaw ni Leah.

Mukhang ngayon niya lang na realize na ang mga iniidolo nila ang nasa harapan niya.

At para namang nagising ang dalawa kanina at napatingin kay Leah na tumatalon sa tuwa.

"BTS!" sigaw na naman niya.

Nagulat na lang ang mga lalaki nang biglang yumakap si Leah kay Namjoon na unang nakita niya. At kinikilig pa habang kayakap nito.

Napangiti na lang si Namjoon sa babaeng kayakap niya.

Nagulat sina Alchi, Leah, at Kathleen nang hinawi sila nina Jessel, Mericris, Denise at Mary sa pinto para makita ang mga taong naging dahilan kung bakit na stuck sila sa may pintuan.

"Hoy! Ano yung narinig naming sigaw?! At anong BTS? Imposib----BTS!"
Natigilan sila nang napatingin sila sa mga lalaking nasa harap nila. Nanlaki ang mga mata nila sa gulat.

Nalimutan nila na may problema pala sila at pinalitan ng malapad na ngiti ang kaninang nakasimagot nilang mukha.

Agad din silang nag uunahan sa pagtakbo papunta sa mga lalaki.

"BTS!!" sigaw nila bago niyakap ang mga ito ng mahigpit.

Muntik ng matumba ang mga lalaki dahil sa lakas ng impact nung sinugod sila ng yakap ng mga babae.

"I can't believe this! BTS IS HERE!!" sigaw ni Mericris habang niyakap pa rin si Jin. Napatawa na lang si Jin sakanya.

"Oh my ghad! Let me get my phone!" sabi ni Denise at kinalas ang yakap kay Jungkook .

Agad naman syang napigilan ni Jungkook. "Ah, please no. We don't want to let the other ARMYs know that we're here."

Hindi lang si Denise ang naguguluhan na napatingin sakanya, pati na rin ang mga kaibigan niya.

"Then why are you here?" tanong ni Alchi na may taray sa tono ng pananalita niya. Nasa may pintuan parin sya at hindi nakisali sa pagyakap ng mga lalaki.

Pinalo naman sya ni Leah na malapit lang sakanya. Napa-aray naman si Alchi. Napakasadista talaga ng mga kaibigan niya.

"Aahmm" Hindi makasagot ang mga lalaki at napatingin sa paligid na para bang may hinahanap na spy.

"Let's go inside, shall we?" nakangiting sabi ni Kathleen sakanila. Mukhang napansin niya ang discomfort ng mga lalaki kanina sa labas. Baka ayaw ng mga ito na mag usap sila sa open na lugar.

Umuna ang mga girls sa pagpasok ng bahay nila. Ni-lead nila ang mga boys sa living room at pinaupo sa isa sa mga sofas don.

Sumunod naman sila sa pag-upo.

"So, what do you like to drink?"

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon