CHAPTER 28.5: Kathleen

22 2 0
                                    


GIRLS' SIDE

"Girls, nakita nyo si Kathleen?" tanong ni Mericris sa mga kaibigan nya.

"Nakita kong may tumawag sa kanya sa phone nya. Pumunta sya sa kwarto nya para sagutin yun." sagot naman ni Denise at nagkibit-balikat.

"Pero kanina lang yun sa kwarto nya at hindi pa lumalabas." sabi naman ni Leah.

"Baka personal yun kaya ayaw nya tayong makarinig. Dahil kung tungkol yun sa business, hindi yun pupunta sa kwarto nya. Dito lang yan at sasadyain nyang marinig natin lahat ang mga pinag-uusapan nila ng caller." sabi ni Alchi.

Napaisip naman sila kung sino ba ang posibleng tumawag sakanya.

"Puntahan ko na lang kaya sa kwarto nya." boluntaryo naman ni Jessel.

Umakyat na sya sa hagdan at pumunta sa kwarto ni Kathleen.

*knock* *knock*

"Kath? Okay ka lang dyan?" nag-aalalang sabi ni Jessel na nasa pintuan.

"Okay lang ako!" sigaw naman ni Kathleen sa kabila.

Nagtaka naman sya kung bakit parang galing sa pag-iyak ang boses nya.

"Umiiyak ka ba? Papasok ako ha?" mas nag-alalang sabi ni Jessel.

"Wag na, Sel. Wala lang 'to." sagot naman nito.

Hindi nakinig si Jessel sa sinabi ni Kathleen at pinihit ang doorknob. Pero nagulat naman sya nung nalaman na lock pala yun.

"Ni-lock ko talaga yan dahil alam kong matigas ang ulo nyo at papasok talaga kayo dito. At nasa akin pala ang duplicate ng susi." sagot nito sa loob at mahinang tumawa.

Bumaba naman agad si Jessel sa hagdan at tinungo agad ang kinaroroonan ng mga kaibigan nya.

"Girls, umiiyak siya dun sa kwarto nya." sabi nya sa mga ito.

Nag-alala naman nilang tinignan si Jessel.

"Bakit hindi ka pumasok sa kwarto nya?" tanong ni Mary sakanya.

"She's smart, guys! What did you expect? Of course alam nya na papasok talaga tayo kahit hindi sya papayag." sagot naman ni Jessel sakanila.

"Nasan yung duplicate key?" tanong ni Mericris.

"Nah! Wag nyo nang itry na buksan ang kwarto nya dahil nasa kanya ang duplicate." sabi ni Jessel na napabuntong-hininga.

Napabuntong-hininga rin sila. Mukhang gusto talaga ni Kathleen na hayaan syang mag-isa na muna.

"I guess we don't have a choice. Gusto nyang mapag-isa kaya hayaan na lang natin." sabi ni Leah.

Malungkot na tumango naman ang mga kaibigan nya.

"Pumunta na lang kaya tayo sa beach house ng BTS. Wala naman tayong magawa dito." suhestisyon ni Mary.

Tumango naman ang mga kaibigan nya.

"Sige tara!"

-------------------

"Hi guys!" bati nila nung nakapasok na sila sa beach house ng BTS. Si Hoseok yung nagbukas sa kanila ng pinto.

"Hi!" bati rin ng mga ito.

"It seems like someone's missing in your group. Where's Kath?" tanong agad ni V nung napansin yata na wala si Kathleen.

Tinignan naman nila si V ng malungkot.

Nagets agad ni V ang mga malungkot na tingin nila.

Bigla itong pumunta sa kwarto nito at nung pagbalik nito, may hawak na sya na crab-like na isinusuot sa ulo.

"Good luck, V." pag-support naman ng mga kaibigan nito na mukhang alam ng mga ito ang gagawin ni V.

"The only way to her room right now is through her terrace." pahabol na sabi nila kay V.

Napangiti naman sila dahil nalaman nila kung ano ang subukang gawin ni V.

---------------------

KATHLEEN'S SIDE

"Kath?"

Nabigla sya nung tinawag sya sa nagmamay-ari ng pamilyar na boses.

Hindi nya inangat ang ulo nya dahil ayaw nyang makita sya nito na umiiyak.

"Hey, what's the matter?" malumanay na sabi nito sakanya.

Nagulat naman sya nung nakalapit na pala ito sakanya.

"Nothing, Taeh." sagot nya na hindi parin tinignan ito.

Tumigil na sya sa pag-iyak pero nanatili parin syang nakayakap sa mga tuhod nya habang nakasubsob dun ang mukha nya.

"Don't lie to me. I know you, although we just met a week ago. Now look at me and tell me what happened." sabi nito.

Ngayon nya lang naalala na katulad din ito ng mga kaibigan nya. Napaka-adamant.

Napabuntong-hininga na lang sya at inangat ang ulo nya para tignan ito pero nanlaki ang mga mata nya sa gulat nung..."RAWWR!".. sinubukan syang takutin nito sa crab-like na sinusuot sa ulo nito.

Ang mga luhang puno ng lungkot kanina ay nawala. Ngayon, napaluha sya dahil sa katatawa sa ginawa ni V.

Pinunasan nya ang mga luha na dumaloy sa mukha nya habang natatawa pa rin.

"I never thought that crabs roar." natatawang sabi nya.

Narinig din nya ang malakas na tawa ni V.

"I just want to cheer you up. And I guess I did it." nakangiting sabi nito nung humupa na ang tawanan nilang dalawa.

Napangiti naman sya sa dahil sa genuineness ni V.

"Thank you, Taeh. You're really my anpanman." sincere nya ring sabi dito.

Napangiti naman si V kay Kathleen at pinunasan ang pinakahuling luha na tumulo sa mukha niya gamit ang hinlalaki nito.

"Now tell me what happened." biglang pagbalik ni V sa topic kanina. Nawala ang playfulness nito at biglang naging seryoso.

Napabuntong-hininga na lang sya at sumagot. "My father happened."

"Did you have a fight with him?" tanong nito.

"Yes."

"Why--?"

"I don't want to talk about it, Taeh." mahinang sabi nya dito.

"Okay."

"So, why are you here anyways?" nagtatakang tanong nya.

"I don't want you to be alone in what you're going through right now." sabi nito.

Para namang hinaplos ang puso nya sa sinabi nito. Na-touch talaga sya nito.

Nginitian nya si V at niyakap.

Naramdaman nyang niyakap rin sya pabalik nito.

"Thanks, Taeh. I'm so lucky to have you." madamdaming sabi nya dito at hinalikan ito sa pisngi.

Normal lang yun sakanila dahil ganyan talaga ang dalawa nung naging close sila.

Natawa naman sya nung nakita nyang napatanga ito na nakangiti.

Ngayon lang naging ganito ang reaksyon nito.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon